^

PSN Opinyon

Patawarin

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

AGAD ginawan ng spoof ng mga comedy TV show ang pagkapanalo ng kababayan nating si Osang Fostanes bilang X-Factor Grand Champion sa Israel at ang agarang deklarasyon ni BIR Commissioner Kim Henares na sasailalim din siyempre sa income tax payment ang premyong mapapanalunan. Maraming kababayan ang nabigla sa pinahayag ni Henares na tinawag na “walang patawad” .

May kaistriktuhan man ang inasal ni Henares, hindi maikakaila na ganoon talaga ang nakatalaga sa batas natin sa buwis. Ang batas ay para sa lahat. Pareho rin ng isyung hinaharap ni Cong. Manny Pacquiao. Hindi nito matatakasang  magbigay ng bahagi ng kanyang mga kinita bilang buwis o bayad sa estado para sa karapa-   tang kumita ng ganoon. Nakatanggap din ito ng kritisismo mula sa mga naawang tagahanga ni Pacquaio.

Ang mga komento tungkol sa kahigpitan ni Henares ay may pinagmulan. Ito ay ang paniwala na, dahil sa karangalang natamo para sa bansa ng mga katulad ni Fostanes, Pacquiao at iba pa, may karapatan ang mga ito na mabigyan ng exemption.

Dahil dito, naghain sa Kongreso ng panukalang batas si Cong. Lito Atienza upang bigyan ng insentibo sa buwis ang mga atletang may napapanalunang premyo sa international competitions. Sa ngayon ay mga atleta pa lang ang kasama subalit pagdaan nito sa amyenda ay pihadong isasama rin ang mga maghahatid karangalan mula sa sining at iba pang sektor.

Ang panukala ay may kasamang kondisyon na ipapatupad maging sa mga napanalunan hanggang kahit 10 years na ang nakalipas. Tanggalin na lang sana ang panukalang ito at baka mapulaan pa ang intensyon at sabihing pinapaboran talaga si Pacquiao.

Bawat isa sa atin ay may obligasyong magbigay kontribusyon sa pananalapi ng bayan para mabayaran ang lahat ng benepisyong binibigay ng gobyerno. Subalit hindi maikaila na ang mga nag-uuwi ng rekognisyon ay may benepisyo ring naibibigay sa pamamagitan ng pride at paniwala sa sariling nararamdaman ng lahat at sa pagtaas ng antas ng imahe ng Pilipino sa mundo. Ang panukalang ito ay napapanahon at dapat lang ipasa agad ng ating mga mambabatas.

vuukle comment

BAWAT

COMMISSIONER KIM HENARES

DAHIL

FACTOR GRAND CHAMPION

FOSTANES

HENARES

LITO ATIENZA

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with