^

PSN Opinyon

Isang senador . . . bumili ng sampung lote

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pang-masa

ALAM n’yo bang bumili ng sampung lote ang isang senador?

Ayon sa aking bubwit, habang kainitan noon ang kontrobersiya tungkol sa P1.6 million na Christmas gift sa mga senador, itong si Mr. Senator ay bumili naman ng sampung magkakatabing lote.

Wow, ang mga lote ay binili sa United Parañaque Subdivision, Parañaque City.

Ito kaya ay nakadeklara ngayon sa kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN).

Pero alam n’yo bang mahilig pala sa Feng Shui si Senator?

Ayon sa aking bubwit, bago binili ni senator ang sampung lote, ito pala ay ipina-Feng Shui muna sa isang expert.

Nang maganda ang resulta ng Feng Shui, binili kaagad ni senator ang mga lote.

Kung magkano lahat ang bili ni Sir sa sampung lote, ’yan ay inaalam pa ng aking bubwit.

Ang senador na bumili ng sampung lote sa Parañaque City ay may maamong  mukha, mukhang hindi makabasag pinggan ay walang iba kundi si…

Senator P. as in Playboy.

 

vuukle comment

AYON

FENG SHUI

LOTE

MR. SENATOR

NANG

SENATOR P

STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITIES

UNITED PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with