Nagtampo si Bro. Eddie
- Al G. Pedroche (The Philippine Star) - October 6, 2012 - 12:00am

Nabigo ang pangarap ni TESDA Director General Joel Villanueva na maisali sa senatorial ticket ng Liberal Party. Isang katotohanan iyan sa politika.

Huwag kang siyento-porsyentong aasa sa mga pangakong malamang mapako. That is one political reality that never changes.

Subok na si Joel. Napatunayan niya ang kakayahan sa pagbuo ng batas bilang partylist Representative sa Mababang Kapulungan.

Ngayon naman ay pinatutunayan niya ang kakayahan sa pagpapatakbo ng Technological Education and Skills Development Authority (TESDA), isang ahen­syang nakatulong para mabigyan hindi lamang ng kakayahan kundi trabaho ang maraming kababayan natin na nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa.

Pero sabi nga ni Haring Solomon “may tamang panahon sa lahat ng bagay.”

Alam kong may ibang plano ang Dios para kay Joel at kung may tampo man siya sa administrasyong Aquino, isaisantabi na lang muna ito at ituloy nang ibayong pagpupursige ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng TESDA.

Marahil, marahil lang, pati ang butihing ama ni Joel na si Bro. Eddie Villanueva ay may tampo rin sa pangyayaring naitsa-puwera ang kanyang anak sa senatorial lineup ng administrasyon.

Nabalitaan ko kasi na nagkaroon ng knee jerk decision ang namumuno sa Jesus is Lord Church na nagdaos kahapon ng ika-34 anibersaryo, na mag-file ng COC sa pagka-senador kahapon ng umaga.

Ngunit last minute kahapon din ng umaga ay nagpasyang huwag nang tumuloy si Bro. Eddie kundi susuporta na lang sa mga senatorial bets na inaakala niyang karapat-dapat maluklok.

Salamat at nahimasmasan si Bro. Eddie.

Para sa mga Kristiano, lalu pa sa mga Obispo ng Iglesia, hindi na dapat sumunod sa takbo ng mundo ang ating isip.

 Kung pamantayan at isipan ng tao ang paiiralin, mahirap arukin ang kalooban ng Dios. Ang ano mang nangyayari ay kalooban ng Diyos kahit sa pananaw ng tao ay mali.

“All things work together for good to them who love the Lord and who are called according to His purpose.” Romans 8:28.

ALAM DIOS DIRECTOR GENERAL JOEL VILLANUEVA EDDIE EDDIE VILLANUEVA HARING SOLOMON LIBERAL PARTY LORD CHURCH MABABANG KAPULUNGAN TECHNOLOGICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with