^

PSN Opinyon

Effeta, mabuksan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

Kahapon, (Setyembre 8) ang birthday ng Mahal na Birhen Maria. Sa Disyembre 8 naman ay ipagdiriwang natin ang paglilihi niya na walang bahid dungis o ang Imaculada Concepcion.

* * *

Ayon kay Isaias: “Makinig ang mga bingi, awit galak ang mga pipi”. Sabihin natin sa mga may karamdaman na huwag silang matakot at lakasan ang loob sapagka’t nilikha tayo ng Diyos at ang kapaligiran. Subalit makikita pa ba natin ito at maririnig ang awit ng mga ibon sa himpapawid kung tayo mismong mga tao ang sumisira rito: Ang ilog, halamanan, kabundukan at karagatan.

Mapagkalinga ang Panginoon at sinabi sa atin ni Santiago na hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at kasama sa kahariang ipinangako Niya sa umiibig sa Kanya. Huwag nating itangi ang mga materyal na kaanyuan: singsing na ginto, magarang damit at maraming salapi. Igalang natin at mahalin ang kalikasan sapagka’t ito ang ating kapwa nilikha.

Si Hesus ang ating Dakilang Manggagamot, ipinatong Niya ang Kanyang kamay sa lalaking pipi at bingi. Inilayo Niya sa karamihan ang lalaki, isinuot ang daliri sa taynga nito tumingala sa langit, nagbuntonghininga at sinabi: Effeta, mabuksan ka. Nawala ang pagkautal at nagsalita nang malinaw. Ipinagbilin pa Niya na huwag ipamalita ang kanilang nasaksihan. Subalit ang tao ay hindi makapagtago ng kabutihan ng Diyos!

Marami sa ating mga Pinoy na makaiwas lamang sa mga sigalot ay nagbibingi-bingihan at nag uutal-utalan. Ayaw nilang mapadamay sa mga nakurakot sa kaban ng bayan. Ito ang sakit na walang kagalingan. Sinadya nilang maging pipi at bingi. Kawawa naman!

Is 35:4-7; Salmo 146; Santiago 2:1-5 at Mk 7:31-37

* * *

Binabati ko ang aking kaisa-isang kapatid na babae na nagdiriwang ng kaarawan ngayon, si Rosalina “Nene” B. Lleva-Remo.

vuukle comment

BIRHEN MARIA

DAKILANG MANGGAGAMOT

DIYOS

IMACULADA CONCEPCION

INILAYO NIYA

NIYA

SA DISYEMBRE

SI HESUS

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with