^

PSN Opinyon

Palusot

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BACK off, bukol, tong-pats, moderate the greed. Ito yung mga memorableng salita na naging bahagi ng araw-araw na buhay natin. Mga salita na lumabas sa iba’t ibang sitwasyon, na ngayon ay tila bahagi na ng bokabularyo ng marami, pati na mga bata! Halos lahat ng nabanggit kong salita ay bunga sa imbestigasyon ng ZTE/NBN noong nakaraang administrasyon. Habang nadadagdagan ang mga testigo sa nasabing imbestigasyon, tila may bagong “sikat” na salita ang namumunga.

Sa matatapos na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, tila wala akong narinig na salita na magpapaalala sa akin sa impeachment, tulad ng mga salita na nagpapaalala sa akin sa ZTE/NBN. Hanggang sa nagsalita na si Cong. Rudy Fariñas. Palusot. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na wala na raw ginawa si Corona kundi magpalusot nang magpalusot, para sa kanyang hindi pagdeklara ng halos 98 percent ng kanyang kayamanan sa kanyang SALN.

Sa tingin ng marami, ang paggamit ni Fariñas ng salitang “palusot” para ipakita kung ano talaga ang ginawa, o hindi ginawa ni Corona, ang pinaka-epektibong talumpati ng prosekyusyon. Malinaw, deretso sa punto, wala nang palamuti pa. Puro palusot ang mga dahilan kung bakit hindi sinali ang malaking bahagi ng kanyang kayamanan, na ayon sa mga patakaran ng SALN ay dapat dineklara. Dito ang labanan ng buong impeachment trial ni Corona. At sa salitang “palusot”, tingin ko naiuwi ni Fariñas ang punto ng prosekyusyon.

Nasa kamay at dunong na ng mga senador-hurado ang kapalaran ni Corona. Sa pagbasa ninyo nito, malamang alam na ng taumbayan. Kung ano man ang husga ng Senado, na ayon kay dating Chief Justice Hilario Davide ay husga na rin ng mamamayan, dapat igalang. Para makasulong na rin ang Senado sa iba pang mahahalagang trabaho. Ilang buwan din silang nakatali sa isyu na ito, na naging masalimuot din sa maraming tao, kasama na ang mga Senador. Magsilbi na ring babala sa lahat, na hindi lahat ng bagay ay kayang idaan sa “palusot”. Dadating ang panahon na ka­ilangan mong ipaliwanag ang lahat ng pinalulusot mo!

vuukle comment

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DADATING

DITO

FARI

HABANG

HANGGANG

RUDY FARI

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with