^

PSN Opinyon

May hadlang

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

ALAM na noon pa ng magkapatid na Horacio at Olga na mayroon silang mayamang tiyuhin, si Don Manuel na nakatatandang kapatid ng kanilang ama. Ang kanilang ama ang nagsabi sa kanila ukol dito. Alam din nila na mga anak sila sa labas dahil hindi pinakasalan ng tatay nila ang kanilang ina. Iniwanan na sila ng kanilang ina. Sa madaling salita, ang estado ng magkapatid ay kinikilalang natural na anak at hindi lehitimong anak.

Tanggap na ng magkapatid ang kanilang kapalaran at estado sa buhay. Patuloy silang nakatira kasama ng kanilang ama at hindi naman ito nagkukulang sa responsibilidad bilang magulang nila. Pinalaki at sinuportahan sila ng ama hanggang maging binata’t dalaga at tumuntong sa hustong gulang.

Parang patunay na tapos na ang trabaho niya bilang magulang kina Olga at Horacio, tinapos na ng ama nila ang buhay matapos ang mahigit 50 taon. Ang magkapatid ang tagapagmana ng kanilang ama pero wala naman itong masyadong naipamana. Pero naiwan ang dalawa bilang potensyal na tagapagmana ni Don Manuel na noon ay walang anak sa asawang si Donya Ana.

Nang mamatay si Don Manuel, naghabol sina Olga at Horacio bilang kapalit na tagapagmana ng kanilang ama na nakababatang kapatid nito. Ayon sa kanila, alinsunod sa batas (Art. 982 Civil Code) ang mga apo at iba pang kaanak ay may karapatan na magmana sa pamamagitan ng “right of representation” at ang karapatan ng ilehitimong anak o anak sa labas ay namamana ng kanilang mga kaanak kung sakaling sila ay mamatay maging sila man ay legal na anak o anak sa labas. May karapatan nga ba ang magkapatid na maghabol sa naiwang ari-arian ni Don Manuel?

WALA. Ang batas na basehan ni Olga at Horacio ay hindi magagamit sa pagkakataong ito. Ang batas dito ay Art. 992 ng Civil Code kung saan sinasabing ang anak sa labas ay hindi maaaring magmana mula sa mga lehitimong anak at maging sa mga kaanak ng ama o ina. Gayundin, ang legal na anak at mga kaanak ay walang karapatan na maghabol ng mana mula sa isang anak sa labas. Ang Art. 992 ay eksepsyon sa Art. 982, 902 ng Civil Code. Kahit sabihin pa na talagang magkamag-anak sila dahil sa dugong dumadaloy sa kanilang ugat ay hindi naman ito kinikilala ng batas dahil sa natural na hidwaan at galit na siyempre ay hindi mawawala sa legal na pamilya at sa pangalawang pamilya. Hindi uubra ang sinasabi nina Olga at Horacio na ang pinatu-tungkulan lang ng batas (Art. 902) ay ang mga anak sa labas na talagang may naunang pinakasalan ang magulang at hindi tulad sa kanila na talagang hindi lang nakuhang magpakasal ng magulang. Hindi naman kasi nilinaw ang salitang “illegitimate” sa batas. Walang sinabi kung ito ay natural na anak tulad nila, “spurious” o iyong talagang may legal na pamilya ang magulang, “acknowledged” o kinilala ng magulang. Basta ang kinumpirma ng batas (Art. 176 Family Code), lahat ng itinuturing na “illegitimate child”, anuman ang kanilang kategorya ay hindi puwedeng magmana (Pascual V Bautista, 207 SCRA 661).

vuukle comment

AMA

ANAK

ANG ART

BATAS

CIVIL CODE

DON MANUEL

HORACIO

KANILANG

OLGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with