Tong collection
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas () - February 14, 2012 - 12:00am

SINISIRA ni alyas Alan Espeleta ang pangalan ni incoming Southern Police Disrict (SPD) director Senior Supt. Federico Castro. Nag-iikot kasi si Espeleta sa gambling lords at beerhouse operators sa SPD area para ikolekta ng lingguhang intelihensiya si Castro. At dahil magiging district director na ng SPD si Castro sa February 15, nais ni Espeleta na dagdagan ng mga kausap niya ang pera para rito. Para malinis ni Castro ang kanyang pangalan, dapat ipaaresto niya si Espeleta at ipakulong para hindi pamarisan. Baka ang tong collection activities ni Espeleta ang maging dahilan para hadlangan ni Interior Sec. Jesse Robredo ang appointment niya bilang SPD director.

Para sa kaalaman ni Robredo, hindi lang si Castro ang binabanggit ni Espeleta sa tong collection niya kundi maging si Senior Supt. Chris Laxa, ang chief directorial staff ng CIDG. Sina Castro at Laxa ay miyembro ng PMA Class ’82.

Kung sabagay, may problema sa pag-upo ni Castro sa SPD kung saan deputy chief for operations siya sa ngayon. Sa batas ng PNP, dapat dumaan muna si Castro sa deputy for administration bago umakyat sa pagi-ging SPD director. Subalit dahil bagyo ang padrino niya na si Ballsy Aquino Cruz, maaring hindi na papansinin ang requirements. Si Ballsy ay kapatid ni P-Noy at ma-aring kukurap na lang si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome sa pagbali ng batas ng PNP.

Si Espeleta ay dating pulis. Kaya siya na-dismiss ay dahil peke ang mga papeles niya. May dalawa pa siyang kapatid na na-dismiss din dahil sa gunrunning at iba pa. Totoo ba na peke rin ang mga papeles ng kanyang mga kapatid? Magaling din sigurong manga­muhan si Espeleta dahil hanggang sa ngayon gamit pa siya nina Castro at Laxa.

May balita naman ako na ang Espeleta brothers ang nasa li­kod ng operation ng gambling lord na Agui­la brothers sa Para­ñaque City.

Ang mga Espeleta ang umaayos ng lingguhang intelihensiya ng Aguila brothers, sabi ng mga nakausap ko sa SPD.

ALAN ESPELETA BALLSY AQUINO CRUZ CASTRO CHRIS LAXA ESPELETA FEDERICO CASTRO INTERIOR SEC JESSE ROBREDO LAXA SENIOR SUPT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with