Ano po ang sintomas ng appendicitis?

Dr Elicaño, happy New Year po. Dalangin ko po patuloy mong pagbibigay ng payo at kaalaman sa mga reader ng Pilipino Star NGAYON.

Gusto ko lang pong itanong ang mga sintomas ng pag­kakaroon ng appendicitis. Kasi po’y lagi akong nakaka­ramdam ng pananakit ng tagiliran lalo na kapag ako ay naglalakad. Madalas kasi pagkatapos kumain ay naglala­kad ako at baka dahilan ito sa pagkakaroon ng appendicitis.

Sana po, masagot mo ang aking tanong.”

CONRADO CAUNCERAN, Lipa City, Batangas

Kapag namaga ang vermiform appendix, ito ang tinatawag na appendicitis. Ito ay isang supot na ang haba ay 9 hanggang 10 centimeters. Lahat ng tao ay mayroong appendix.

Apektado ng appendicitis ang babae at lalaki anuman ang gulang. Tanging ang mga bata na may edad na dala­wa pababa ang hindi nagkakaroon ng appendicitis. Karaniwang nagkaka-appendicitis ang mga kabataan na may edad 25.

Sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan, mula pusod hanggang sa tagiliran. Matindi ang sakit at mas nadarama ang kirot kapag gumagalaw o kaya’y umuubo. Ang iba pang sintomas ay ang pagsusuka, kawalan ng panlasa at lagnat.

Kapag nakaranas ng mga nabanggit na sintomas ay nararapat na kumunsulta agad sa doctor para maisagawa ang tinatawag na appendicectomy o pagtanggal sa appendix.

Kapag hindi naopera o nataggal ang appendix, delikadong magkaroon ng nana at puputok ito. Magiging gangrenous at malalason ang dugo.

Show comments