^

PSN Opinyon

Ligtas na Undas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAPAYAPA ang mga sementeryo matapos alpasan ni PNP Chief Nicanor Bartolome ang mga pulis. Nagkalat ang mga Special Weapons and Tactics (SWAT). Ito ang tamang panahon upang ipamalas ni Bartolome ang kanyang kamandag bilang tugon sa kautusan ni President Noynoy Aquino na bigyan ng seguridad ang taumbayan. Bagamat nalusutan si Sr. Supt. Billy Beltran ng Parañaque police ng karumal dumal na pagpatay sa anak ni dating senador Ramon Revilla Sr. na si Ram Revilla noong October 29 ay naging payapa naman ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, bagamat pagod pa sa biyahe si NCRPO chief Alan Purisima mino-monitor niya ang mga pulis sa Metro Manila para makasigurong nakakalat sila sa mga lugar na pinupuntirya umano ng MILF.

Marami pa ring pasaway na kababayan sa semen-teryo. Mantakin n’yo, lagi nang panawagan ng mga pulis na huwag ng magdala ng mga matatalas na bagay tulad ng itak, kutsilyo o karit sa pagpasok sa mga sementeryo ay di pa rin natututo ang ilan kaya sila na rin ang nagi-ging sagabal sa maayos na daloy ng pagpasok ng tao sa sementeryo. Ang ilan ay nagpapalusot pa rin ng alak sa pamamagitan ng paglalagay sa mga water jug. May nagdadala ng baraha at mahjong sets.

Sa North, South at Chinese cemetery ay naging maa­ yos naman ang siguridad na inilatag ni MPD Officer-in-Charge Sr. Supt. Alejandro Guttierez. Hindi naman nag­ patinag si Supt. Reynaldo Nava ng MPD Traffic Ma-nagement Bureau nang ipahatak ang mga motorsiklo na nag-illegal parking. At dahil diyan hinangaan si Guttierez at Nava dahil sa pantay na pagtrato sa mamamayan. Karamihan kasi sa mga may-ari ng motorsiklo ay mga pulis at opisyales ng Manila City Hall.

Sa Las Piñas City naman ay pinag-igting ni Sr. Supt. Romulo Sapitula ang checkpoint sa mga lansangang  malapit sa tatlong sementeryo upang hindi sila malusutan. Ikina-lat din ni Sapitula ang mga naka-unipormadong pulis sa paligid ng subdivision upang mahadlangan ang Ak­yat Bahay Gang.

Dahil sa magandang turn out ng pag­gunita ng Undas, su­­masaludo ako kina Bar­tolome, Purisi­ma, Guttierez, Nava at Sapitula.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ALEJANDRO GUTTIEREZ

BAHAY GANG

BILLY BELTRAN

CHARGE SR. SUPT

CHIEF NICANOR BARTOLOME

GUTTIEREZ

MANILA CITY HALL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with