^

PSN Opinyon

Mabuti naman!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Mabuti naman at nakuha ang isang kampo ng isang kriminal na MILF sa ginagawang all-out-justice ng pamahalaan. Pero nakatakas na naman ang kanilang hinahanap na kriminal, kasama ang ilang dosenang tauhan nito. Kaya patuloy ang paghahabol at paghahanap sa kanila. At dapat lang. Huwag nang bigyan ng pagkakataong makapahinga at makatago o maitago ng mga kakampi sa Mindanao! Dapat tuloy-tuloy ang paghabol ng militar. At ang kampong nakuha? Huwag nang bitawan! Huwag nang isali sa tinatawag na area of temporary stay o ATS at tila inaabuso na nga ng MILF at mga kriminal na elemento. Lumalawak lang ang lugar kung saan nakakakilos ang mga kriminal. 

Mabuti nga at nakuha ang kampo. Isang magandang tagumpay at simbulo na rin ng kapangyarihan ng gobyerno at ng bansa, para na rin sa mga nasawing sundalo noong isang linggo. Ang malungkot lang, na hindi na rin maiiwasan, ay ang paglikas ng higit dalawampung libong mga sibilyan na umiiwas malagay sa kalagitnaan ng bakbakan. Sa digmaan, ang talagang talo nga ay ang mga sibilyan.

Pero hindi na pwedeng ipagpaliban pa ang paghabol sa mga kriminal na ito, kundi iisipin lang na mahina na ang gobyerno at lalong ipagpapatuloy ang mga kriminal na aktibidad sa rehiyon. Kung may panahon para sugpuin na, ito na iyon. Ang mga rebelde at kriminal ang unang nagbuhos ng dugo, pero ang mga sundalo ang magtatapos. Kung may usapang kapayapaan pang mangyayari, isulong na ito sa lalong madaling panahon. Rendahin na ng MILF ang kanilang mga tauhan, isuko na sa gobyerno ang mga kilalang kriminal at respetuhin na ang ligal na gobyerno ng bansa. Kapag magawa ito, mas susulong ang usapan.

At iyong limang milyong piso na binigay pala ng gobyerno sa MILF? Gawan ng listahan kung saan ginamit ang perang ito. Malakas ang tugon na ginamit ng MILF ito para bumili ng mga armas at bala, kaya dapat lang gawan ng listahan kung saan ginamit ito. Nabibigyan pa pala sila ng pera, bala naman ang isusukli sa gobyerno! Paano naman iyan? Nasaan ang kaliwaang pagtutulungan mula sa MILF? O karahasan na lang talaga ang solusyon sa lahat?  

vuukle comment

DAPAT

GAWAN

GOBYERNO

HUWAG

ISANG

KAPAG

KRIMINAL

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with