^

PSN Opinyon

Maraming illegal sa Parañaque

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

WALANG dapat sisihin sa naglipanang mga illegal na pasugalan, bold shows at illegal vendors sa Paranaque City kundi si Florencio Bernabe. Open secret naman yan mga suki na hindi aandar ang mga illegal kung walang basbas ng mayor. Kaya hindi ako nagtataka kung naging pugad ng video karera, sakla at iba pang sugal, bold shows at illegal vendors ang Parañaque dahil inutil si Bernabe para supilin ang mga ito. At kung me kasalanan man si Sr. Supt. Nestor Pastoral, hepe ng pulisya roon, mas malaki ang papel ni Bernabe sa pag-usbong ng mga illegal. At para maitago ang sarili niyang koleksiyon, ang ginamit ni Bernabe ay ang kapatid na si Roland. Kay Roland bumabagsak ang lingguhang intelihensiya ng pasugalan, illegal vendors, bold shows at ipa pang pagkakakitaan.

Kaya’t nararapat lang na idepensa ni Bernabe si Pastoral dahil marami itong alam sa mga illegal sa Paranaque. At maganda rin ang relasyon ni Pastoral kay Roland. Totoo ba na si Pastoral ang nagsisilbing kolektor ng lingguhang intelihensiya ni Roland…este ni Mayor Bernabe?

Nakatanggap kasi ng open letter si Bernabe kung saan hinihingi ng mga concerned policemen na sibakin na si Pastoral. Hindi pala marunong mamahagi ng grasya si Pastoral kaya hindi umaandar ng maganda ang makinarya ng Paranaque police, anang sulat. ‘Ika nga panay kabig ni Pastoral sa mga pasugalan, bold shows at illegal vendors at naiiwang tulala ang mga tauhan niya. Totoo ba na pati ang grasya ng iba pang unit ng pulisya ay ibinulsa ni Pastoral? Mukhang nagmamadaling maging milyonaryo si Pastoral ah? Kung sabagay sino ba ang ayaw sa pitsa?

Kung si Pastoral naman ang tatanungin, istrikto lang siya at maraming ilegalista sa hanay ng pulisya ang naaapakan niya. Pero hindi dapat maghugas kamay si Pastoral sa pasugalan, bold shows at illegal vendors dahil ang opisina niya ang kinakaladkad ng mga tong kolektor nya.

At sa punto naman ni Bernabe, hindi n’ya maaksiyunan ang open letter laban kay Pastoral dahil wala itong mga pirma. ‘Ika nga nakatago ang mga complainant at naging walang saysay ang sulat. Kaya kung hindi masupil-supil ang mga illegal sa Paranaque yan ay dahil sa magandang samahan nina Roland…este Mayor Bernabe at Pastoral. Abangan!  

vuukle comment

BERNABE

FLORENCIO BERNABE

IKA

ILLEGAL

KAYA

MAYOR BERNABE

PARANAQUE

PASTORAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with