^

PSN Opinyon

Walang Pajero pero.

- Al G. Pedroche -

PAJERO man o “padyak” hindi dapat mamudmod ang gobyerno sa mga Obispong Katoliko. Kung puwede yan, bigyan na rin ang lahat ng sekta ng relihiyon sa bansa!

Ang nakalipas na administrasyon ni dating Presiden­te (Ngayo’y Pampanga Rep.) Gloria Arroyo ay nama­ hagi ng mga sasakyan para sa ilang Obispong Katoliko sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Pero nilinaw ni PCSO Chair Margie Juico na hindi naman pala mamahaling Pajero na nagkakaha-laga ng halos P3 milyon. Mga utility vehicles lamang. Humarap sa Senate Blue Ribbon Committee si Margie kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersya.

Kung sino man ang nagpapakalat ng maling balita, tiyak may personal na agenda: Ang pagsabungin ang Simbahang Katoliko at si P-Noy.

Batay sa rekord ng PCSO na binasa ni Juico, kabuuang P6.940 milyon ang inilaan ng nakaraang lide-rato ng PCSO sa donasyon na ibinigay sa Archdiocese ng Zamboanga, Butuan, Cotabato, Nueva Segovia at Isabela, Basilan.

Dumaan daw sa proseso ng PCSO ang kahilingan para sa Toyota Grandia na napunta sa Archdiocese of Zam­boanga; Isuzu sa Nueva Segovia, Ilocos Sur; Isuzu passenger van sa Bontoc-Lagawe para sa proyekto nitong “Alay-Kapwa,” Mitsubishi Montero sa Archdiocese ng Butuan; at, isang Mitsubishi Estrada sa Archdiocese of Basilan.

Tama si Margie. Kuwestyunable ang mga naturang do­­nasyon dahil malinaw nalabag ito sa prinsipyo ng ‘sepa-ration of Church and State’ na nakasaad sa Saligang Batas. Isa pa, tanging mga ambulansya lang ang ma-a­aring ipinamamahagi ng PCSO, batay na rin sa ‘charter’ nito.

Dapat ay mapansin ng pa­munuan ng PCSO na po­­­­­­sibleng nagagamit ang ahen­­ siya para lang magalit ang mga Obispo kay P-Noy dahil pinalaki ang isyung ito kahit wala naman palang matibay na ebi­densiya.  Namumuo tu­loy sa isip ng ilang mapagsuri na baka may kinalaman sa pagtutol ng Simbahan sa RH Bill ang inaakalang panggigipit sa mga Pari.

vuukle comment

ARCHDIOCESE OF BASILAN

ARCHDIOCESE OF ZAM

BUTUAN

CHAIR MARGIE JUICO

CHURCH AND STATE

GLORIA ARROYO

NUEVA SEGOVIA

OBISPONG KATOLIKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with