'Bakit laging premature ang ejaculation?'
Magandang araw po, Dr. Elicaño. Ibig ko pong ikunsulta itong nararanasan kong problema sa pakikipagtalik. Nakakaranas ako ng premature ejaculation. Hindi ko alam kung bakit “nilalabasan” agad ako at naiiwan sa alanganin ang aking asawa. Bunga ng ganitong kalagayan ay na-yayamot ang aking asawa. Siyempre ay “nabitin” siya sa aming pagsasalo sana. At ang isa ko pa ring problema, may pagkakataon naman na ayaw o napakatagal akong “labasan” kahit naka-penetrate na si “Manoy”. Kung minsan, ay nagkukunwari na lamang ako na nilabasan pero palagay ko, nahahalata ito ng aking asawa. Ako po ay 40-taong gulang at healthy.” —Gerry Boy ng Tandang Sora, QC
Mukhang dapat kang kumunsulta sa iyong doctor para mabigyan ka ng payo sa iyong sexual disorders. Pero sa palagay ko, hindi naman masyadong malubha ang problema. Ang problema ay kung hindi na tumatayo si “Manoy”.
Ang premature ejaculation at delayed ejaculation ay hindi lang sa mga kalalakihan nangyayari. Ang mga babae man ay nagdaranas ng ganito.
Tinatawag ang ganito na sexual aversion disorder. Mayroong tinatawag na Dyspareunia, kung saan ay masakit ang ari ng lalaki at babae sa oras ng sexual intercourse. Mayroon pang pagkakataon na nahihirapan ang lalaki na mainsert ang penis sa vagina dahil sa tinatawag na involuntary contraction ng lower vaginal muscles.
Maraming dahilan kung bakit may sexual dysfunction sa kalalakihan at kababaihan at ilan dito ay depression, anxiety, guilt, anger sa sexual partner at ang mga nakaraang traumatic sexual experiences kagaya ng rape at iba pa.
Payo ko sa’yo Gerry Boy na magpakunsulta sa doctor.
- Latest
- Trending
















