^

PSN Opinyon

Boy, ibulgar mo na si Gloria

- Roy Señeres -

KAHIT sino pa ang itinalaga ni P-Noy na Comelec chairman, tiyak may puputak din. Mahilig lang talaga tayong mga Pinoy na pumutak o makipag-debate sa bawat isyu na bumubulaga sa atin araw-araw. Para bagang ang buong Pilipinas ay malawak na poultry farm whereby ang bawat kilos ng caretaker ay lumilikha ng ingay mula sa hanay ng mga pato, manok at pabo.

Si Atty. Sixto “Boy” Brillantes ay good choice to head the Comelec. Siya ay Bar topnotcher at matuwid na abogado. Malaki ang respeto sa kanya ng law community. Kahit milyun-milyon ang ialok mo sa kanya na attorney’s fees hindi niya tatanggapin kung ang ipapagawa mo ay gawing “puti” ang isang bagay na maliwanag namang “itim”.

I know whereof I speak because I know him, not from Adam but from San Beda College almost four decades ago. He was a professor of mine. Wala siyang superio-rity complex, at hindi siya nanduduro ng mga estudyante. Salamat na lang at siya ang na-appoint at hindi si Romulo Makalintal the lawyer and collaborator of Gloria.

As I wish Boy all the best I also wish na maimbestigahan niya ang pagnakaw ni GMA ng panguluhan noong 2004. Alam ni Boy na may mga concrete evidence to pin down Gloria. Ang mga evidence ay personal na pinakita sa kanya ng mga members ng Young Officers Union (YOU) sometime in 2006.

Kaya lang nagpasya ang YOU na walang mangyayari sa Comelec dahil mga sipsip lahat kay Gloria ang commissioners roon lalo na ang napaka-notorious na si Nicodemus Ferrer at ang mahilig na magpanggap na matuwid na si Rene Sarmiento. Ngayon Boy, pagkakataon mo na ipaka-laboso si Gloria at collaborators niya na lumapasta-ngan sa ating demokrasya noong 2004.

Ang mga evidence tulad ng video coverage ng ballot boxes switching sa Kongreso, documentary, testimonial at iba pang evidence ay hawak pa rin ng mga kaibigan ko sa YOU at sila ay nakahandang makipag-ugnayan sa iyo anytime.

vuukle comment

AS I

COMELEC

NGAYON BOY

NICODEMUS FERRER

RENE SARMIENTO

ROMULO MAKALINTAL

SAN BEDA COLLEGE

SI ATTY

YOUNG OFFICERS UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with