^

PSN Opinyon

'Gaano ba kalinis ang karneng baboy?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño,

Happy New Year po sa’yo. Gusto ko lang pong itanong ang may kaugnayan sa sakit na nakukuha kapag nakakain ng double-dead na baboy o ang tinatawag ngayong “botcha’’. Kasi po’y talagang nakakaalarma na ang mga sunud-sunod na balita ukol dito. Ano po bang sakit ang nakukuha kapag nakakakain ng karneng baboy na hindi malinis? Paano ba malalaman kung malinis nga ang karne ng baboy? — Wilma Rodriguez, Blumentritt, Manila

Happy New Year din sa iyo, Wilma. Bago pa sumapit ang Pasko at Bagong Taon ay sunud-sunod na ang pagkum-piska ng mga double-dead na karne sa isang palengke sa Balintawak. Ito nga yung tinatawag nilang “botcha”. Ito raw ay mga baboy na maysakit at kinatay para mapakinabangan. Ipagbibili ang karne sa murang halaga. Delikado ito sapagkat pinagmumulan ng sakit. Madali namang makilala ang karne ng baboy na double-dead. Maputla ang kulay at mabaho na ito. Sa amoy pa lang ay malalaman nang bulok ang karne.

Isa sa mga sakit na maaaring makuha sa mga karne ng baboy lalo pa nga at kung double-dead na ay ang tinatawag na Trichinosis na ang may kagagawan ay ang mga uod na tinatawag na Trichinella spiralis. Ang mga nematode worms na ito ay makikita sa mga hayop particular ang baboy. Madaling makapasok sa katawan ng tao ang mga larvae ng mga uod sa sandaling kumain nang karne ng baboy ang tao lalo na kung hindi ito iniluto nang maayos. Kapag ginawang sausages ang karneng baboy at kinain ng tao, dito malaki ang posibilidad na lumipat ang sakit.

Ang sakit ay maituturing na mild subalit may ilang tao na nagkakaroon ng serious complications kung saan apek­tado ang puso, baga, at central nervous systems. Ang mga sakit na maaaring dumapo ay ang meningitis, encephalitis (pamamaga ng utak), myocarditis (pamamaga ng heart muscle), pneumonitis (pamamaga ng baga), pleurisy at ang problema sa paningin at pandinig.

Mararamdaman at makikita ang sintomas depende sa dami ng parasites na nasa katawan. May mga tao na walang nararamdamang sintomas samantalang ang iba ay iginugupo ng sakit. Pumapasok ang parasites sa digestive system at makalipas ang ilang araw, ma-ngingitlog ito sa bituka at magpo-produce ng larvae. Maaaring makaranas ng gastrointestinal symptoms na kinabibilangan ng pagsakit ng tiyan, diarrhea at pagkawala ng panlasa sa pagkain.

Ang larvae ng parasites ay kakalat na sa tissues ng katawan kung saan ay makikita ang sintomas na pamamaga ng itaas na bahagi ng eyelids dahil sa fluid retention (edema). Magkakaroon din ng pagdurugo sa tissues ng mga mata, pagiging sensitive sa liwanag, makakaranas ng pagkauhaw, pananakit ng kalamnan, mataas na lagnat, pagpapawis, pagkauhaw, irritated ang skin, at mahihirapang lumunok o kaya’y ngumuya.

Ipinapayo ko ang pagkunsulta sa doktor sa sanda-ling lumabas ang sintomas.

ANO

BABOY

BAGONG TAON

DR. ELICA

HAPPY NEW YEAR

KARNE

SAKIT

WILMA RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with