^

PSN Opinyon

Atty. Elaine Masukat

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BIRTHDAY last Thursday ni Atty. Elaine kaya naman umaatikabo ang tsibugan blues sa isang resto dyan sa kyusi.

Sabi nga, masarap!

Sayang at hindi nakasama ni Atty. Elaine ang kanyang mga kaalyado sa Alpha Phi Beta fraternity sa San Beda Law School mas happy sana ito.

Sino lang ang kasama ni Atty. Elaine sa bday niya?

Ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang bossing ni Atty. Elaine na si Navotas Rep. Toby Tiangco, Salve Asis, Isha Macabodbod at ang iba ay secret.

Bakit?

Secret nga kamote!

Ang EO 887-A sa mga crying cow

 NAG-IIYAKAN na parang mga ‘baka’ ang mga supplier ng segunda manong imported vehicles tulad ng delivery truck, vans at panels na makikita natin bumabiahe sa mga lansangan ngayon.

Bakit?

Napitik ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga ito last time kaya naman sumulat sila sa Chief Kuwago para iparating kay P. Noy ang kanilang hinaing at sa madlang people ng Philippines my Philippines regarding sa Executive Order - 887-A na ginawa at ipinatupad ni GMA noong hawak niya pa ang trono dyan sa palasyo.       

Kaya sa patas na pamamahayag ito ang buod ng kanilang letter. 

Sabi nga, basahin! 

Ayon sa mga crying cow, ang EO 887-A, ay malinaw pa daw sikat ng araw na COMPLETE MONOPOLY sa  kalakal ng mga sasakyan ang buod nito!

Ika nga, pinatay nila ang mga maliliit na negosiante sa Philippines my Philippines.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Ayon sa mga crying cow,  dahil sa repolyo este mali monopolyo pala  ng mga ‘carmakers’ ang bentahan ng mga kotse, ngayon ay gusto na nilang swapangin para makopo kahit ang bentahan ng mga delivery trucks na siyang naghahatid araw-araw sa mga palengke ng ating mga batayang pangangailangan tulad ng bigas, karne, manok, gulay, isda, echetera.

Sabi nga, ang repolyo ay hindi lang pang-halo sa nila­gang baka este mali ang monopolyo pala ay hindi lang labag sa prinsipyo ng “free trade” sa ating sistemang ka­pitalista, bagkus, labag din ito sa konsensiya.

Sakaling ganap na maipatupad ang monopolyo sa pamamagitan ng EO 887-A, asahan ang pagsirit pataas ng mga presyo ng bilihin at asahan din ang kawalan ng hanapbuhay sa hanay ng mahigit 120,000 manggagawa sa industriya.

  Kaya naman ang resulta ay mas mataas na “inflation rate” at pagkagutom sa hanay ng mga manggagawa.

Para sa mga crying cow, ibasura ang EO - 887 - A!

Abangan.

 Sino si spine sa NCRPO

NAGAWI si NCRPO chief Nick Bartolome sa ika - 58th anniversary ng National Press Club yesterday para mag - HELLO sa mga mamahayag dito.

May nagbulong kay Nick kung sino si spine porke matindi daw ang ginagawang pangongolekta nito sa mga operator ng sugal-lupa at clubs sa Metro-Manila.

Ang sagot ni Nick pabubusisi ko ang animal.

Abangan.

ABANGAN

ALPHA PHI BETA

AYON

BAKIT

CHIEF KUWAGO

EXECUTIVE ORDER

ISHA MACABODBOD

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with