^

PSN Opinyon

Mahabag Ka po sa amin!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

SA mga pagbasa ngayon ay ating masasaksihan ang pagpapagaling ng Panginoon. Sa paglubog sa Ilog Jordan ay pinagaling ng Panginoon si Naaman ng pitong ulit at nanauli ang kanyang katawan, kuminis sa ketong ang kanyang balat. Pinuri ni Naaman si Eliseo sapagkat inakala niyang si Eliseo ang nagpagaling sa kanya. Sinabi ni Eliseo: “Buhay ang Panginoong Diyos na aking pinaglilingkuran. Hindi ako tumatanggap kahit ano”. Ang Panginoon ang nagliligtas sa tanan.

Patungong Jerusalem si Hesus at nagdaan sa hangganan ng Samaria at Galilea sinalubong siya roon ng 10 ketongin: “Hesus! Panginoon! Mahabag Ka po sa amin”. Sagot ni Hesus: “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” Gumaling sila habang naglalakad”. Ang mga saserdote ang nakatalaga sa kagalingan ng mga Judio na nagkaroon ng karamdaman.

Ang samaritano ay walang karapatang magtungo sa saserdote ayon sa pagkakahiwalay ng dalawang lahi kaya ang unang pumasok sa kanyang isipan ay balikan si Hesus upang magpasalamat. “Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig”. Hindi man lamang bumalik ang siyam na Judiong gumaling sa ketong upang magpasalamat kay Hesus. Sila’y nagbalik sa Jerusalem at doon sila nagpuri sa Diyos. Hindi nila pinasalamatan ang naging instrumento ng kanilang paggaling.

Ilan kaya sa atin ang bumalik sa mga doktor na nagpagaling sa atin at nagsabi: Salamat po doktor! Noong panahong yaon ang pinaka-karumal-dumal na sakit ay ketong. Ngayon ay napakarami nang uri ng sakit na grabe at karumal-dumal na hindi lamang sa katawan kundi sa utak at isipan. Higit sa lahat ang sakit sa lipunan at mga tahanan. Ang sakit ng ating katawan ay may kagalingan subali’t ang pinakamasakit na sakit ay sa utak na kadalasa’y sinisira ng mga ipinagbabawal na gamot o drugs.

Idalangin natin tuwina kay Hesus na pagalingin tayo sa ating mga karamdaman. Siya ang Dakilang Manggagamot ng ating buhay.

Ang mga doktor sa ating kapaligiran ay pa-wang mga instrumento lamang ng Panginoon. Sa ating pagtulog sa gabi ay humingi tayo sa Diyos ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at pagalingin tayo sa anumang uri ng ating karamdaman.

2 Hari 5:14-17; Salmo 97; 2Tim 2:8-13 at Lk 17:11-19

vuukle comment

ANG PANGINOON

ATING

DAKILANG MANGGAGAMOT

DIYOS

ELISEO

HESUS

ILOG JORDAN

MAHABAG KA

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with