^

PSN Opinyon

Si Mantaring at ang NBI

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

LUMAKI pala ang ilegal na negosyo ni Nancy dahil sa pagkalong sa kanya ng mga tauhan ni NBI Director Nestor Mantaring at PNP. Kaya pala panay raid ang isinagawa ng NBI nitong nagdaang mga araw sa mga pasugalan ay hindi para mapahinto ang sugal-lupa sa Metro Manila kundi para bigyan-daan ang paglaki ni Nancy. Alam ‘yan ni alyas Ogie, ang kolektor ni Manta­ring, di ba NBI intelligence chief Ruel Lasala Sir? Kaya hindi na nakapagtataka kung ang mga puwesto ng dating gambling lord na si Len Aguado ay napunta na lahat sa kamay ni Nancy sa tulong ng NBI at ng PNP. Sa ngayon, kampante si Nancy na walang gagalaw sa kanyang negosyo dahil nakatimbre siya kay Mantaring at PNP. Kailangan pa ba ang kumpas ni President-elect Noynoy Aquino para kumilos ang NBI at PNP kay Nancy?

Sabi ng mga kausap ko, si Ogie at mataas na opis­yales ng Southern Police District (SPD) ay palaging naki­kita sa bahay ni Nancy sa Muntinlupa. Kaya nagya­yabang si Nancy at kum­pare na si Val Adriano na walang say sa kanilang ilegal na negosyo ang NBI at PNP. Subalit ang kaligayahan na tina­tamasa ni Nancy sa tingin ko malapit nang magkaroon ng katapusan. Sa pag-upo ni Noynoy sa July 1, tiyak si Mantaring ay matsutsugi na. Ang matunog na papalit kay Mantaring ay ang kaibigan kong si retired Gen. Lucas Managuelod. At ang SPD naman ay may bago ring hepe sa katauhan ni Chief Supt. Jose Arni de los Santos na sa tingin ko ay hindi rin kukunsintihin sina Nancy at Adriano. Tingnan natin kung uubra ang kinang ng salapi ni Nancy kina Managuelod at De los Santos.

Ang NBI sa ngayon kahit peryahan ay pinapatulan. Sa paghingi ng lingguhang intelihensiya ha? Walong taon na nagsusunog ng kilay ang NBI agents tapos sa peryahan lang pala babagsak. Kaya kahit masibak si Mantaring sa puwesto, wala siyang maipagmamalaki na iniwang magandang kinabu­kasan sa NBI. Ang iniwan niya ay panay puna at pagkamuhi sa NBI na walang inaatupag kundi pasugalan at pagkapitsaan.

vuukle comment

CHIEF SUPT

DIRECTOR NESTOR MANTARING

JOSE ARNI

KAYA

LEN AGUADO

LUCAS MANAGUELOD

MANTARING

METRO MANILA

NANCY

NBI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with