^

PSN Opinyon

Ex-con sa Congress?

- Al G. Pedroche -

PULOS balitang disqualification ng mga kandidato ang nabalitaan natin sa nakalipas na mga araw: Dinis­kuwalipika ng COMELEC ang aktor na si Richard Gomez bilang kandidato sa pagka-kongresista ng Ormoc, Leyte; Gayundin ang nangyari kay Luis “Baby Asistio” na ibig tumakbong alkalde ng Caloocan at; Abraham Mitra na naunsiyami ang pagkandidato bilang gobernador ng Palawan. Iisa ang ground ng kanilang disqualification: Hindi nila nasunod ang residency requirement.

Pero iba naman ang ground for disqualification na tinuran ni Rep. Danilo Suarez ng 3rd district ng QC laban kay dating Governor Eddie Rodriguez na ngayo’y ibig sungkitin ang puwesto ni Suarez. Ito ay dahil nabilanggo si Rodriguez sa United States dahil sa patong-patong na krimen laban sa kanya. Naging kontrobersyal si Rodri-guez maraming taon na ang nakalilipas matapos mag-claim ng malaking halaga mula sa Insurance sa America para sa pekeng pagkamatay ng kanyang asawa at biyenan. Sinampahan siya ng apat na kaso ng insurance fraud, isang grand theft o malakihang pagnanakaw at    attempted grand theft ng Fraud Division ng California Department of Insurance noong 1985. Kaya hinatulan ng pagka­bilanggo ni Judge Bob Bowers ng LA County Superior Court sa California.

Lahat ng walong kaso ay may kinalaman sa pinekeng pagkamatay ng dalawang taong malapit sa puso ni Rodriguez. Nakakubra umano si Rodriguez ng $150,000 ngunit madaling nabuking. Kung hindi nasilat ang tusong plano, tinatayang makakakubra si Rodriguez ng $850,000 o P39.10 milyon. Nakapag-piyansa siya ng $2-M pero mabilis na nakatakas ka­sama ang kanyang misis pabalik ng Pilipinas. Ku­mandidato pa siya at na­ging governor ng Quezon Province. Pero masyadong mahaba ang kamay ng hustisya ng USA kaya siya ay natiklo ng Interpol at sa bisa ng extradition treaty ng RP at USA, ibinalik siya sa LA para ikulong.

Giit ni Suarez, kahit da­pat bigyan ng second chance ang dating bilang­go, dapat ikon- si­dera ang moral character nito. Ani­ya’y dapat mag-ingat sa pagbibigay ng poder sa mga taong may masa­mang record lalo na sa sa­lapi. Paano mo maipagkaka­tiwala sa gan­yang tao ang countrywide development fund o “pork barrel?” ani Suarez. Abangan na lang ang tugon ng COMELEC.

vuukle comment

ABRAHAM MITRA

BABY ASISTIO

CALIFORNIA DEPARTMENT OF INSURANCE

COUNTY SUPERIOR COURT

DANILO SUAREZ

FRAUD DIVISION

GOVERNOR EDDIE RODRIGUEZ

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with