^

PSN Opinyon

Age doesn't matter?

- Al G. Pedroche -

MAY kasabihang age doesn’t matter kahit sa larangan ng serbisyo publiko. Korek iyan kung may lakas pa at kakayahang gumanap sa tungkulin. Kung hindi (payong kapatid) makabubuting magpahinga na at mag-enjoy sa buhay. Nasabi ko ito dahil may mga umaangal kay Rep. Pedro Pancho ng Bulacan. Kesyo 75-anyos na siya pero may balak pang tumakbo uli. Sabagay, si Senate President Juan Ponce Enrile ay 80 na ang edad pero matikas pa at aktibo sa kanyang gawain. Ok lang sa  mga ganyang kaso.

Pero ayon sa mga nakapupuna, itong si Congressman Pancho ay madalas naiidlip sa upuan sa mga sesyon ng Kongreso.

Sa unang siyam na taon daw niya bilang Kongresista mula 1995 hanggang 2004, hanggang magbalik sa pwes­to noong 2007, wala rin daw naihain ni isang bill na siya ang main author. Laging nakikiangkas sa bill ng ibang Solon bilang co-author.

Sumawsaw pa raw si Kongresman bilang co-author ng Reproductive Health Bill na binabanatan ng Simbahang Katoliko. Pumirma rin umano siya sa kon­trobersyal na HB 1109 para sa Constitutional amendment sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o Con-Ass. Ngunit nang batikusin siya ng kanyang mga nasa­sakupan, sinabi niyang “Di ko naman talaga nausisa yan…basta pinirmahan ko lang.”

May isyu rin tungkol sa di maipaliwanag na kinahi­natnan ng pondo para sa isang slaughterhouse sa Bali­wag. Naipalabas na umano ang pondo pero walang nangyari. Sinasabing ang loteng dapat pagtayuan nito ay naging isang parkin  lot na lang at terminal ng mga tricycle. Kaya nag-aal­bu­roto na si Mayor Romy Estrella dahil binantaan  pa siyang idedemanda dahil sa anomalya.

Taumbayan ang nagha­lal kay Kong. Kaya kung di maganda ang kanyang performance, problema iyan ng mga bumoto sa kanya. Hindi na siya dapat tuligsain. Maski papaano’y nakapagsilbi naman siya   sa mga taga-Bulacan. Pero kung totoo ang mga sina­sabi sa kanya, tingin ko’y dapat nang magretiro sa pulitika si Kong. Hindi na kasi magandang ehemplo ang ipinakikita sa taum­bayan na nagpapasahod   sa kanya.

vuukle comment

BULACAN

CONGRESSMAN PANCHO

CONSTITUTIONAL ASSEMBLY

KAYA

MAYOR ROMY ESTRELLA

PEDRO PANCHO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with