^

PSN Opinyon

Francon International, bilang na ang mga araw ng pambibiktima niyo!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGSALITA na ang tanggapan ng punong-bayan ng siyudad ng Pasig na si Mayor Eusebio hinggil sa rekla-    mo ng mga biktima ng FRANCON International sa  Ortigas, Pasig.

Matatandaang sandamakmak na biktima ang lumapit sa BITAG upang isumbong ang panloloko at panli-linlang ng kumpanyang ito na nagbibigay umano ng    franchising business.

Maging si Mayor Eusebio, nalula sa laki ng perang naloko sa mga nabiktima. Simula kuwarenta mil hang­gang isang milyong piso ang nabitawan ng mga nag­rereklamo para lamang sa pinaghandaan nilang negosyo.

Nauna nang nailapit ng BITAG ang kasong ito sa   Department of Trade and Industry na siya namang agad na tumugon at kasalukuyang nakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Security Exchange Commission.

Ang mga ahensiyang ito ang nagtutulong-tulong sa ngayon upang mabigyan ng katarungan ang reklamo ng mga biktima.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang tanggapan ng punong-bayan ng Pasig dahil agad ipinatawag ang Busi­ ness Permit Department ng kaniyang nasasaku-pan at ipinasilip ang FRANCON INTERNATIONAL.

Sa dami ng mga nabibiktima at siguradong may su­sunod pang mabibiktima, kinakailangang maging agre-sibo ang mga susunod na hakbang lokal na pamahal­a­an ng Pasig.

Inaasahan ng BITAG na sa lalong madaling panahon, mabisita ang kumpan- yang ito kasama ang aming grupo at mga nagrerek­lamo.

Dahil matapos kaming imbitahan ng hayupak na kumpanya sa kanilang tanggapan upang sagutin ang mga reklamong ibi­na­bato sa kanila, hindi na na­kipagkita ang mga ko­lokoy.

Maging ang kanilang mga kliyente na kanilang biniktima, dinededma na ang mga reklamo matapos makuhanan ng malaking halaga.

Tuluyan na nga bang ma­tatapos ang maliliga­yang araw na ito na ayon sa Philippine Franchising Association, hindi naman sa kanila rehistrado.

Abangan! 

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

MAYOR EUSEBIO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASIG

PERMIT DEPARTMENT

PHILIPPINE FRANCHISING ASSOCIATION

SECURITY EXCHANGE COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with