^

PSN Opinyon

Tutok, tago

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG insidente ng panunutok ng baril ang naganap na naman noong Lunes. Pero sa okasyong ito, nagkamali ang nanutok dahil isang reporter at anchor ng ABS-CBN ang kanyang tinutukan. Dahil lamang sa gitgitan sa kalye, hinabol umano ni Richard Castro Ordoñez ang sasakyan ni Cheryl Cosim at kanyang pamilya, hinarangan, bumaba at tinutukan sila ng baril. Hindi nila alam kung bakit ginawa ni Ordoñez ang panunutok at pagbabanta. Nakuha nila ang plaka ng sasakyan, kaya nakilala si Ordoñez. Mala­mang sinukat muna nitong si Ordoñez ang mga pasahero ng sasakyan nina Cheryl, at ng nakitang pamilya lang, tumapang at inisip na takutin. Ayon sa mga nagsusulong ng karapatang magmay-ari ng baril, hindi ganun ang kilos ng isang responsableng gun owner.

Paano ba talaga malalaman kung sino ang respon­sable at kung sino ang hindi? Sigurado wala namang banta sa buhay ni Ordoñez para maglabas siya ng baril at manutok para ipagtanggol ang kanyang buhay. Walang pinagkaiba ito kay Lintang Bedol na kuntodo yabang na pinapakita ang kanyang baril, sabay pahayag pa na mara-mi pa siyang baril. Pero nung hinahanap na, nagtago na. Ganun din si Ordoñez. Matapang sa kalye, pero ng hina­hanap na ng pulis at media, nagtago na. Ayon pa sa mga kamag-anak ni Ordoñez, may malaking problemang pinan­siyal ngayon yung tao, na tila pinangangatwiran pa ang ginawang krimen. Eh ano ngayon kung may problema? Karapatan na ba iyon para manutok ng baril sa kalye?

Tulad din ni Lintang Bedol, nalaman ng PNP-FED na pito ang baril ni Ordoñez, lahat ay lisensiyado naman. Pero kung paano siya pinayagang magmay-ari ng pitong baril, iyon ang hindi raw alam ng mga pulis. Hay naku, naglolokohan pa tayo! Kayo ang nagbibigay ng mga lisensiya kaya dapat alam ninyo iyan! At naka “8” plaka pa raw ang sasakyan, pero hindi naman kongresista! Lahat ng mga ito ay naglalarawan ng isang mayabang at abusadong tao, na sigurado may mga koneksyon kung saan-saan kaya maraming baril at may “8” plaka. Hindi talaga puwedeng palampasin na lang ang insidenteng ito. Dapat mahuli ito at magpaliwanag kung bakit marami siyang baril, at bakit siya may plaka ng kongresista, bukod sa mga kriminal na kasong isasampa na sa kanya. May lilitaw sigurado na malaking tao o baka pulis pa nga sa isyung ito! 

vuukle comment

AYON

BARIL

CHERYL COSIM

KUNG

LINTANG BEDOL

NTILDE

ORDO

PERO

RICHARD CASTRO ORDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with