'Sobra po akong pawisin'
Dear Dr. Elicaño, ako ay isang public school teacher sa Metro Manila. Problema ko ang pagiging pawisin. Kapag nasa classroom ako at nagtuturo ay sobra ang aking pagpapawis. Alam mo po, sa sobrang pagpapa-wis ko ay bumabakat ang pawis sa dakong kilikili sa suot kong uniporme. Pinagtitinginan tuloy ako ng aking mga estudyante. Ano po kaya ang dahilan at sobra akong pawisin? — TEACHER ALMA
Mayroon nang sumulat sa akin na katulad ng iyong problema. Nahihiya rin dahil sa sobrang pawisin.
Ang pagpapawis ay normal na nangyayari sa kata-wan. Mahalaga ito para ma-regulate ang temperature sa katawan. Pero ang labis na pagpapawis ay indikasyon na maaaring may medical problem. Ang labis na pagpapawis ay nagiging dahilan para mawala ang maraming asin sa katawan na nauuwi sa dehydration.
Palatandaan ng sakit ang labis na pagpapawis. Isa ito sa symptoms ng overactive thyroid gland kung saan nag-iincrease ang metabolic rate ng katawan. Ang metabolic rate ay ang bilis nang pagsunog ng pagkain at oxy-gen para makapagbigay ng energy. Sintomas din nang labis na pagpapawis ang mabilis na tibok ng pulso, labis na pagbaba ng timbang, pagka-iritable at ang pag-increased ng appetite.
Ganoon pa man, ang mga practitioners ng natural medicine ay naniniwalang ang pagpapawis ay nakatutulong para maalis ang toxins sa katawan.
Ipinapayo sa mga moderately active adults ang pag-inom nang maraming tubig sa isang araw para mabawi ang nawalang fluid. Sa mga athletes at sobrang aktibong tao, ipinapayo na uminom nang maraming tubig sa bawat oras ng kanilang activity. Sa mga may fever, uminom nang maraming-marami at sobra-sobrang tubig.
- Latest
- Trending

















