^

PSN Opinyon

Konsehal vs Trike drivers

- Al G. Pedroche -

NAGNGINGITNGIT si Parañaque councilor Carlito An­ti­­pues­to. Kagagawan daw ng mga kalaban niya sa politika ang kasong “panghuhuthot at panloloko” na isinampa sa Department of Justice ng ilang tricycle drivers ng lungsod. Ang kaso ay kaugnay umano ng kanyang proyektong “tricycle financing scheme.”

Kilala rin daw si Antipuesto sa tawag na ‘Doods Animal’ ng Animal Antipuesto Trike for Life Foundation. Kasama naman sa mga nagsampa ng kaso ang mga tricycle driver na sina Ronald Y. Guzman, Marcelino C. Nonato, Joselito Atabay at Norberto Momo.

Inireklamo ng mga trike drivers na ilegal ang tricycle lending scheme ni Antipuesto, sapagkat hindi naman umano ito aprubado ng Stock and Exchange Commission o SEC. Katunayan, anila, nagpalabas na ang SEC ng cease and desist order sa Antipuesto Foun­dation upang itigil na ang ilegal na lending scheme nito. Base pa rin sa reklamo ng mga tricycle driver, sobra-sobra kung magpataw ng interes si Antipuesto sa ka­nilang mga pagkakautang, kaya’t napipilitan silang mag­bayad kahit lagpas na sa napag-usapang tatlong taong bayaran. 

Feeling ng mga trike drivers na inaagrabyado sila ni Antipuesto. Anila, mula’t mula pa’y hindi nagbibigay ng kopya ng tricycle lending contract ang nasabing kon­­­sehal. Tahasan namang pinabulaanan ni Anti-puesto ang paratang.

“Kung anu-anong kaso na nga ang isinampa nila sa akin. Sa Ombudsman, fiscal, pati na rin sa SEC. May grupo kasing nagsa­sabing dapat akong tu­makbo bilang kongresman kaya ngayon pilit nila akong ginigiba kahit hindi totoo,”

Malamang daw na ma­harap din sa kasong tax evasion si Antipuesto da­hil hindi nito isinisiwalat kung saan nagmula ang milyun-milyong kinikita nito na posibleng nagmula sa ilegal na lending ope-rations. 

Well, naniniwala ako na kung mapa­patunayan ni Antipuesto na demolition job lang ito at walang ba­sehan, hindi siya dapat ma­­ngamba at matakot.

ANIMAL ANTIPUESTO TRIKE

ANTIPUESTO

CARLITO AN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOODS ANIMAL

JOSELITO ATABAY

LIFE FOUNDATION

MARCELINO C

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with