^

PSN Opinyon

'Babala sa mga nagpapakilalang BITAG kuno!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

May ilang taon na ring ginagamit ang pangalan ng BITAG ng iba’t ibang impostor at nagpapanggap na kung sinu-sinong Poncio Pilato.

Ito’y dahil ipinupronta nila ang aming pangalan para maisagawa ang kanilang modus ng pangongotong, pang­hihingi o panso-solicit ng kung anu-anong bagay tulad ng pera, pagkain at anumang regalo.

Ilang beses na ring ginamit nang maraming kolokoy ang aming pangalan upang manakot, magyabang, umastang astig at maghari-harian sa kanilang mga teritoryo.

Nitong Lunes, Hunyo 15, isang tawag ang natanggap ng BITAG mula sa empleyado ng Philippine Tourism Authority (PTA), hinggil sa isang Jun Cariño’ng nakikipag-usap sa kanilang tanggapan.

Pakilala raw nito na staff daw siya ng BITAG  at nais lamang humingi ng tulong dahil sa namatay niyang anak.

Hindi na bago sa BITAG ang PTA dahil ilang beses na ring napaunlakan nito bilang opisyal na “media partner” sa pag-eendorso ng lokal na turismo ng bansa kaya alam nila na hindi ganito ang estilo ng BITAG.

Kaya naman, kilos prontong kinumpronta ng BITAG si Jun Cariño.

Sa tanggapan ng PTA, gulpi de gulat, itong si kolokoy, nang makaharap ang tunay na BITAG. Hindi malaman nito kung paano lulusot sa tinahi niyang kasinungalingan.

Palusot ni Carino, wala raw siyang intensiyong gamitin ang pangalan ng BITAG.

At ang sinasabi niyang BITAG ay isang tabloid newspaper.

Bagaman nagdahilan na ito, pinangaralan pa rin ng BITAG ang aming na­kaharap. Tiklop naman    ang tuhod nito sa pag-amin sa kanyang maling paraan ng paghingi ng tulong.

Tantiyado na namin ang aming kausap, alam naming kung hindi naagapan   ng tanggapan ng PTA ang kanyang pagpapanggap, nagamit na naman ang aming pangalan.


vuukle comment

BAGAMAN

BITAG

CARINO

HUNYO

ILANG

JUN CARI

NITONG LUNES

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

PONCIO PILATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with