^

PSN Opinyon

Pagbabago

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NGAYON ay resureksyon ni Jesus o Pasko ng Pagkabuhay. Sa isang Kristiyano, mahalaga ang muling pagkabuhay   ni Jesus, kung saan itinataguyod ang pananampalataya. Kung wala ang resureksyon, walang Kristiyanismo. Maraming simbolo ang resureksyon, pero iisa ang mensahe – pagba­bago. Pagbabago mula sa dating buhay na ika nga, ay nilibing na. Wala na sigurong mas malinaw na mensahe para sa ating bayan kundi ang pagbabago.

Ilang beses na nating napapag-usapan ang mga masa­samang ugali natin bilang mga Pilipino. Ilang beses na rin nating pinag-uusapan ang masasamang nagawa ng gob­yernong ito. Mga anomalya, katiwalian, pang-aabuso, korapsyon. Masasabi na siguro natin na hindi na sila mag­ babago, at magpapatuloy ng mga gawain nila hanggang sa katapusan ng kanilang termino. Kaya ang maaasahan na lang natin ay ang pagbabagong dulot ng 2010.

May ulat na marami sa ating mga mamamayan ang malaki ang pag-asa at paniniwala na gaganda ang sitwas­yon ng bansa sa darating na taon. Ngayon ay nararam­daman na ng lahat ang krisis, pero paniwala ng marami ay giginhawa na sa 2010. May ulat nga na mas gusto ng       mga Pilipino ang mamasukan sa isang trabaho imbis na mag-negosyo. Dito mo makikita na mababa pa ang tiwala ng karamihan sa negosyo, dahil na rin sa sama ng ekonomiya. Kapag may trabaho, siguradong may suweldo ka basta’t tumatakbo ang kompanya.

Sa negosyo nga naman, hindi ka nakasisiguro kung araw-araw ay maganda ang benta mo. Pero ang payo nga ng karamihang eksperto sa ekonomiya ay kailangang gumastos para umikot ang pera sa mas nakararaming tao at negosyo. Kung ibabaon lang sa lupa, hindi makakatulong iyan sa ekonomiya. Kaya ang suma niyan, ay kailangang tangkilikin ang mga negosyo. Umiikot lang talaga dapat ang pera, at hindi napupunta lamang sa isang tao o lugar. Pero dahil matitindi ang pagkagahaman ng iba diyan, hindi ganun kabilis ang pagganda ng ating ekonomiya.

Kaya mahalaga na bantayan natin ang ating inaasam na ginhawa sa darating na taon. Huwag magiging pabaya sa mga kilos ng iba na huwag patuparin ang pagbabago, at manatili na lang sa ating kasalukuyang kinalalagyan. Hindi pa rin nawawala ang mga kilos at plano na iyan. Iyong akala nating patay na ay nabubuhay muli, dahil sa utos ng diyos nila!

DITO

HUWAG

ILANG

IYONG

KAYA

PERO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with