^

PSN Opinyon

President Arroyo? Absent!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

WALA na talaga ang daliri ni President Arroyo sa pulso ng mamamayang Pilipino. Dumesisyon ang Presidente na huwag nang dumalo sa selebrasyon ng ika-23 anibersaryo ng EDSA 1 noong nakaraang linggo. Ito yung mapayapang rebolusyon na wakasang nagpatalsik sa diktadurang Marcos noong 1986. May importante ring pupuntahan, kaya hindi na nagpakita sa Edsa Shrine. Dumalo naman si Bise Presidente Noli De Castro, pero agad namang nagpaalam at may mahalagang pupuntahan din daw. Ito’y hindi naman tinanggap nang mabuti ni dating President Fidel V. Ramos. Ano ba naman ang mas mahalagang pupuntahan, kaysa sa dalawang oras lamang kada taong paggunita sa makasaysayang pagbabalik ng demokrasya sa bansa?

Alam ko kung bakit hindi pinahahalagahan ni President Arroyo ang EDSA. Sa isa niyang talumpati, sinabi niya na hindi raw tatanggapin ng mundo ang isa pang EDSA! Patama ito sa kanyang mga kritiko. Kung sakali mang magkaroon na naman ng isa pang EDSA, eh siya na ang tatanggalin! Kaya malamig na ang Presidente sa selebrasyon, at siguradong puro mga kritiko rin niya ang dadalo roon. Ganun pa man, dapat nagpunta siya. Ito’y bilang respeto sa mga mahalagang pangyayari noong 1986. Marami na nga sa kabataan ang hindi alam kung ano ang nangyari sa EDSA. Napapag-aralan na lang sa school, sa pamamagitan ng mga retrato at video.

Madalas masabi na ang Pilipino ay madaling maka­limot. Sa EDSA, paunti nang paunti ang dumadalo sa selebrasyon. Mga nakaraang selebrasyon, may mga banda pang tumutugtog sa kalye. Ngayon, nauuwi na lamang sa pagtatalon ni dating President Ramos. Paano pala kung hindi na rin makadalo si Ramos? May mag-selebra pa kaya? At kung bakit pa kasi noong Lunes pa ginawa ang piyesta opisyal?

Ang mga pangyayari sa EDSA ay mahalagang gu­nitain taun-taon. Ito ang nagsilbing pagbabago sa kasay­sayan ng tunay na demokrasya at pulitika sa Pilipinas. Pero dumarating na ang araw na magiging isang pulang numero na lamang ito sa kalendaryo. Itong taon nga, muntik pang hindi na mangyari iyon, dahil sa desisyon ng isang Presidente na nakinabang rin naman sa diwa ng EDSA, pero namemeligrong maging biktima rin nito.

vuukle comment

BISE PRESIDENTE NOLI DE CASTRO

EDSA

EDSA SHRINE

PILIPINO

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT FIDEL V

PRESIDENT RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with