^

PSN Opinyon

'Ang bayaning si Fernando...'

- Tony Calvento -

“TILA MAY SARILING MUNDO ITONG SI BAYANI FERNANDO! Hindi mo ba napapansin? Kung anu-ano ang ginagawa sa ating mga lansangan na parang walang plano at kung ano na lamang ang maisipan. Hindi ko nga alam kung bakit hinahayaan ito ng ating mahal na Pangulo?”

ISANG pahayag mula sa may-ari ng Internet Café na tulu­yang nagsara dahil binungkal ang harapan ng kanyang pwesto dahil sa “widening project” umano na ipinatutupad ng Metro Ma­nila Development Authority (MMDA) kung saan Chairman itong si Bayani Fernando.

“Whimsical, capricious, pernicious these are the words that would best describe this man who does not listen to reason nor rhyme in dealing with legitimate concerns of individuals and sectors of society.”

Mga katagang binitiwan naman ng isang lady bu­si­nesswoman na dumulog sa tanggapan nitong si Bayani dahil winasak ang harapan ng kanyang tindahan at dahil dito bumagsak ang kita ng negosyo at kinailangan mag lay-off ng ilang empleado.

“Akala ko ba Metro Manila lamang ang kanyang sina­sakupan. Bakit hanggang sa mga lalawigan nandun na rin ang kanyang mga tauhan. Pati sa Laguna binungkal ang harapan ng San Pedro Doctor’s Hospital at sino ang napipinsala kundi mga pasyente na kung minsan ay mga emergency cases,” ayon kay Dr. Oballo.

Nuong kapanahunan ni dating presidente Ferdinand E. Marcos itinatag bilang accommodation sa kanyang unang ginang na si Imelda R. Marcos ang posisyon nilang Metro Manila Governor.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo lumawig ang kapangyarihan ng Chair ng MMDA at ito ngayon ay sa buong bansa na. Makikita mo ang mga “men-in-blue” ni Bayani.

Ang dami ng Metro Manila Mayors ang umaway kay Bayani subalit naging matatag pa rin ito sa pwesto (bakit kaya?)

Marami na rin mga palpak na proyekto.

Naalala ko ‘yung trak na lumiligid sa ating mga lansangan sa Metro Manila(sa EDSA) na may basahan na basa upang ipansampal o ilatay sa mga pedestrians na naglalakad sa kalsada. Ayos ba namang idea yan, chairman?

Bakit hindi na lamang hulihin at kailangan pang basain ang mga tao para ano? Para turuan ng leksyon? Ano na nangyari sa project na yan? Wala lang. Nawala ng ganun na lang. Naging epektibo ba? Epektibong lumabas na kahiya-hiya ang mga advisers ni Bayani. Lumabas na parang nagpapansin at nagpapapaka-kontrobersyal itong si Bayani.

Bakit naman kailangan ng pansin ni Bayani, eh hindi naman ito artista o politiko?  

“Aba teka muna sir, hindi ba’t nag-announce na kakan­didato siya sa 2010 bilang presidente. Lumalabas na isang “grand-plan” niya ang lahat ng ito para makilala siya hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa,” ayon kay Calixto ng Mandaluyong.

Isa pang kontrobersyal na ipinatupad ni Bayani ng kanyang MMDA ang mga U-turn slots sa Edsa.

Ang daming motorista ang naiinis, nagagalit at nagmumura sa ipinatupad nitong si Bayani ng sa ilalim ng kanyang “traffic-scheme”ubang maibsan ang trapiko sa Metro Manila. Umubra ba? Gumagana ba? Napansin ninyo bang lumuwag ang trapiko sa Metro Manila?

Mga metro-railings na piniturahan niya ng PINK (bakit kaya pink? Lalakeng-lalaki naman ang dating ni Chairman. Tanungin kaya natin kay Dra. Margie Holmes kung may “sexual connotation” kung bakit ganito ang kulay na pinili. Ano kaya ang masa­sabi ni Sigmund Freud?)

Mga bus, taxi, jeepney drivers at kanilang mga operators ang sasagot sa inyo kung nabawasan o naisayos ba ang trapiko sa lunsod o mas lalong naging grabe ito dahil lumiit ang daanan dahil sa mga steel pink railings na yan.

Ilang aksidente na rin ang nangyari sa ating mga motorista dahil sa mga “concrete barriers” na inilagay sa kahabaan ng EDSA? (mga kulay pink din yan). Ilang motorista na ang nama­tay, seryosong nasaktan at ang kanilang mga sasakyan ay nadurog dahil sa barriers na yan. Kulang naman kasi sa ilaw at hindi makita ng mabuti sa gabi.

“Walang problema sa mga concrete barriers na yan. Nasa mga nagmamaneho ang problema. Nasa motorista,” ang simpleng sagot ni Bayani.

GANUN BA CHAIRMAN? Hindi mo ba naiintindihan ang salitang road-hazard? Ang mga konretong barriers na yan ay panganib sa mga motorista dahil parang “maze” na sa isang kisap mata kailangan mong maisip (figure-out) ang lusot para hindi ka sumalpak dito.

Ang problema yata wala kay Bayani kundi sa mga technical-people niya na nagsa-suggest ng mga ito. Kapag tinanong sila ni Chairman siempre ang sasagot nila, “okay yan sir. Magandang idea yan, sir.”

Nasisiguro ko na kapag tinanong sila ni Bayani kung ano naman ang reaksyon ng mga tao sa kanyang mga ipinatutupad na plano sa Metro Manila hindi naman nila sasagutin na,

“Sir, minumura na tayo ng mga motorista. Minumura na tayo ng taong bayan. Ang trapik sa EDSA ganun pa rin. Wa-epek ang mga plano natin, sir!”

Alam kong minsan nainis si PGMA ng ang kanyang entourage ay mahuli sa mahabang trapiko sa may Libis dahil sa ginagawang mga fly-over na u-turn slots at nahuli ito sa kanyang appointment. Bumuhos ang malakas na ulan nuon at oras din ang binilang dahil usad uod ang mga sasakyan. Hindi ko lang alam kung may nakapagsabi kay PGMA ay ito ay dahil sa kayhahaba ng iyong dapat baybayin para makarating ka sa u-turn slot at ang fly-over na pinagagawa ni Bayani

Meron nga bang plano itong si Bayani o tama ba ang sinabi nung ingleserang businesswoman na “whimsical at capricious” ang mga desisyon ni Bayani?

Ginagawa lang ba niyang eksperimento ang EDSA at kung ano ang pakiramdam niya paggising niya sa umaga, pupulungin na niya ang kanyang mga alipores upang ipatupad ito? Kayong mga nakapaligid kay chairman, magsalita naman kayo at paliwanagan siya dahil grabe pa rin ang trapik sa EDSA. Wala pa rin pagbabago lalo na ngayong kapaskuhan.

Hindi na ako magugulat kung madidinig ko itong si Bayani na sumagot na walang problema sa trapiko sa EDSA, “ang problema ang kung bakit naman kasi meron pang pasko!” Ano sa palagay ninyo?

ABANGAN SA MIYERKULES tatalakayin naman ang Metro Gwapo nitong si “Gwapitong (?) Chairman ng MMDA”.    

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email address: [email protected]

BAYANI

DAHIL

KANYANG

KUNG

METRO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with