^

PSN Opinyon

NCRPO Pol Bataoil, sino si Ver kotong cop

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAG-IIYAKAN ang mga taga - Manila dyan sa jurisdiction ni MPD Supt. Nelson Yabut porke inaangal nila ang isang Ver kotong, na sinasabing isang foolish cop.

Si Ver kotong, ang nangingikil sa lahat ng illegal vices sa jurisdiction ni Yabut at ito ring ang umaaktong kolektor sa mga sasakyan na gustong mag-park sa nasasakupan lugar ni Nelson.

Ano ba ito NCRPO Chief Pol Bataoil, pakisilip nga ang kamoteng ito muk­hang sisirain ng todo ang imahe ng kapulisan sa asal na ipinakikita ni Ver kotong.

Paki-ask din si Nelson kung hindi niya alam ang mga trabaho ni Ver kotong dahil kung hindi mahinang klaseng commander ng katulisan este mali kapulisan ito porke ang pangalan niya ang ginagasgas ng gago.

Hindi bababa sa P100,000 weekly ang collection ni Ver kotong puera pa todits ang mga illegal vices tulad ng pasugalan na nagkalat todits at mga bold show sa club echetera.

Tuwang-tuwa si Ver kapag araw ng Biernes dahil paldo ang bulsa nito sa atik na koleksyon niya sa mga vices. Ano ba ito General Bataoil, Sir?

Ang ganitong klase ng foolish cop ay hindi na pinagtatagal sa service dahil nakakasira ito sa policemen. Tama ba, Yabut?

Kung hindi kaya ni Yabut na hulihin at ikulong si Ver kotong siguro panahon na General Bataoil na palitan ito sa kanyang puwesto para naman ang papalit sa kanya ang makinabang este mali humuli pala sa kamote.

Hindi na natin iparating ito sa kaalaman ni Chief PNP Jess Verzosa dahil sa Mindanao ito pupulutin kayang-kaya itong aksyunan ni Polbat!

Abangan.

Donut makikita si Satanas sa Christmas

ISA sa miembro ng Donut gang na napatay dyan sa Kyusi ay makikita si Satanas sa Christmas day imbes na si Santa Claus.

Sayang at nakatakas ang mga kasamahan nito ng makipag-ratratan sa mga tauhan ni Sr. Supt. at incoming one Star Gen. Magtanggol Gatdula ng QCPD.

Sankatutak ang nakuhang spare tires ng mga mamahaling SUV sa sasak­yang gamit ng mga kamoteng donut.

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, at nanahimik ang isa sa kanila sayang nga lamang at dehins na niya makikita si Santa Claus sa pasko porke kay Satanas na siya mama­masko.

Kamakailan ay tinira ng donut gang ang spare tire ng kapa­milya ng mga kuwago ng ORA MISMO at kasama nito habang naka-park sa kahabaan ng Kalayaan dyan sa Kyusi.

Binigyan nila ng malaking problema ang dalawang nada­lihan ng spare tire porke napakamahal pala nito kung bibilihin mo sa Blumentrit, Manila.

Almost P5,000 second hand pa ang gulong!

Matagal na palang sinusubaybayan ng mga tauhan ni Gatdula ang donut gang dahil ng huli natin nakausap ang bida sabi niya alam na nila ang ginagamit na gateaway vehicle at anytime ay mayayari nila ito.

Kaya tama si Gatdula, nayari nga ang gateaway with matching gift isang patay na donut. Hehehe!

Sana sa mga notorious magnanakaw sa ibang lugar na kayo luminya huwag na sa kyusi porke inaabangan kayo ng mga police todits at anytime kapag gumawa kayo ng kaga­guhan tiyak si Satanas ang sasalubong sa inyo sa impierno.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANO

CHIEF POL BATAOIL

GATDULA

GENERAL BATAOIL

JESS VERZOSA

SANTA CLAUS

YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with