^

Breath of fresh air

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. () - February 29, 2008 - 12:00am

CONGRATULATIONS kay Zandra Mae Z. Bongco, No. 1 sa Nursing Licensure Exam! Ang buong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Community ay taas noo kay Zandra at sa PLM nurses na nag-95% passing rate nitong December Board. Hindi na matitinag ang PLM sa top 5 Nursing schools. Highest passing rate nito ay noong June 2002 nang 100% ang pumasa. At ito ay pagpapatuloy  nang mahabang tradisyon ng kagalingan. Noong 1975 pa lang, No. 1, 2, 5, 6, 7, 8, 9, 10 place puro PLM.

Hindi biro ang ginawang pag-top ni Zandra – No. 1 sa halos 68,000 na nag-eksamen. At ang kanyang iskor na 88.40 ay milya-milya ang layo sa 2nd placer na 87.00.

Pang-showbiz ang kuwento ng buhay ni Zandra. Binuhay ng junkyard business ng magulang, mahihirapang makapagtatapos ng Kolehiyo kung hindi naging iskolar ng isang foundation. At dahil sa PLM na paaralang lungsod nag-aral at hindi sa mayamang private university, hindi rin ito na-expose sa pinakamagara at bagong mga kagamitang pang training. Ang matrikula sa UST, FEU etc. nasa P65,000 kada semester. Sa PLM, LIBRE. Paano naman ito lalaban? Subalit kung ano man ang kulang sa hawak na baraha, napunuan ito nang napakayamang puhunan sa talino at tiyaga, hindi lang ni Zandra kung hindi pati rin ng kanyang mga dalubguro sa PLM.

Sa panahong tulad ngayon, na taumbayan ay saksi sa walang awat na katiwalian at pagsalaula sa katoto­ hanan, ang istorya ni Zandra ay parang sariwang hangin na naghahatid ng himagas sa pagkauhaw sa magandang balita. Sa mga ganitong pagkakataon, lumilingon ang   bansa sa ating kabataan upang magpakita ng halim­bawang hindi na napangangatawanan ng mga nakatatanda.

Simpleng-simpleng mga katangian ng pag-aaral nang mahusay, pagpapabuti sa sarili, na walang bahid ng panlinlang sa kapwa —– ito ang mga leksyon na tina­ likuran na nitong mga taong nakalipas, leksyon na muling binu­buhay ng halimbawa ng ating mga kabataang mag-aaral.

ZANDRA MAE Z. BONGCO, R.N.

GRADE:   No. 1

DECEMBER BOARD NURSING LICENSURE EXAM PLM ZANDRA ZANDRA MAE Z
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with