^

PSN Opinyon

OFW applicants ipit sa Dasma Village

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAKAGAGAMBALA ang liham ni Pablo Nucum ng Las Piñas. Dati siyang overseas Filipino worker, pero nabakante nang limang taon. Suwerte, inalok siya kamakailan ng kaibigang Aleman ng trabaho sa Nigeria. Malas, dahil ang embassy ng Nigeria ay nasa loob ng Dasmariñas Village sa Makati.

Heto kasi. Ayaw papasukin ng Dasma security guards si Nucum sa exclusive subdivision para mag-apply ng visa sa Nigerian embassy. Ilang beses na siya nagpabalik-balik at nakiusap, walang nangyari. May bago kasing homeowners’ association officer na namamahala sa security. Naglabas ito ng Security Memo Circular No. 07-01, inaatasan lahat ng embassy sa subdivision na i-fax muna sa security office ang pangalan ng lahat ng visa applicants bago sila palusutin sa village gate. Nang sabihin ni Nucum na maaring hindi alam ng embassy kung sino ang tutungo sa kanila para mag-apply, sagot ng security chief na hindi niya problema ‘yon. At nang sabihin din na kalabisan na ang bagong security rule, sagot din ay "e di umalis na lang ang embassies dito."

Palagay ko’y ugaling manhid ang ipinamamalas ng bagong security director. Komo mayaman siya at nakatira sa exclusive subdivision, wala na siyang pakialam sa mga naghihirap sa labas. Manhid din ang mga guwardiya, na animo’y hindi nanggaling sa mga hikahos na komunidad sa probinsiya. Approved without thinking sila sa utos ng director, imbis na gawan ng paraan na mapadali ang visa applications.

Halimbawa, maaaring maglagay ng drop box sa subdivision gate para sa visa applicants. Tapos, magpapa-schedule na lang ng interview, at ipa-fax ang pangalan nila sa takdang petsa. O kaya, kung may isip ang consul, umupa sana sila ng call center at P.O. Box para sa applications at interview schedules.

Masama itong may sariling batas ang Dasma na manhid sa madla.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DASMA

JARIUS BONDOC

LAS PI

NUCUM

PABLO NUCUM

SECURITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with