Pagkakaisa sa Bagong Taon...
January 1, 2007 | 12:00am
MARAMING taon ang nagdaan ang humingi ng tulong sa CALVENTO FILES at "HUSTISYA PARA SA LAHAT". Araw-araw ang pagsusulat ko sa Pilipino Star Ngayon at PM. Gayundin ang aming programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" Lunes hanggang Biyernes alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.
Kulang ang espasyong ito para banggitin ang mga taong natulungan namin, nabigyan ng pag-asa at naitama ang mali. Ang lahat ng papuri ay hindi namin inaangkin ni Secretary Raul Gonzalez. Kami ay naging instrumento lamang sapagkat kundi dahil sa ating Panginoon Diyos hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kaya ibalik natin ang papuri sa kanya because in God nothing is impossible.
Narito ang ilan sa mga kasong natulungan ng CALVENTO FILES AT "HUSTISYA PARA SA LAHAT.
Inilapit sa aming tanggapan ni Rosalyn Ramos ang ginawang paghuli sa kanyang asawang si Sonny Ramos ang kapatid nitong si John Ramuel Agramen matapos hulihin ito ng mga pulis ng Camp Panopio, P. Tuazon Police Station sa pamumuno ni Major Osmundo de Guzman noong ika-14 ng Disyembre 2006. Nahaharap ang mga ito sa kasong Robbery hold-up matapos may magreklamo laban sa mga ito.
Subalit illegal ang pagkakaaresto sa mga ito dahil hindi na para i-inquest ang mga nasabing suspek dahil lagpas na sa takdang oras ito. Agad na tinawagan ni Secretary Raul Gonzalez si City Prosecutor Claro Arellano ng Quezon City para sa agarang pag-release sa mga suspek. Labis na nagpapasalamat ang pamilya ng biktima na agarang aksyon sa kasong ito.
Mahigit isang taon ang nakalipas nang paslangin ang biktimang si Rolando Garcia ng magkapatid na suspek na sina Manuel at Carlos Diño noong ika-13 ng Nobyembre nang magkainitan ang mga ito sa pilahan sa Villa Gutierrez St., Sangandaan, Caloocan City. Wala pa ring resolution ang kasong Murder na isinampa ng pamilya sa opisina ni SP Victoria Carina Latosa. Tinawagan ng aming tanggapan ang City Prosecutor ng Caloocan City, Ramon Rodrigo upang i-follow ang nasabing kaso. Makalipas ang isang linggo lumabas ang resolution. Kasong murder ang isinampa laban sa magkapatid na Diño.
Mga pinay na nakulong sa Lebanon ay natulungan din ng aming tanggapan. Nagsadya noon sa aming tanggapan si Jesus Gutierrez ng Laguna upang manawagan sa ating pamahalaan ang hinggil sa kanyang asawang si Monaliza na napiit sa Lebanon kasama ang maraming Pilipina. Agad kaming nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs upang aksyunan ang mga kababayan natin na nasa Lebanon. Hirap at pasakit ang mga naranasan nina Monaliza, Maricel dela Cruz at Jasmin Sundiam. Sina Maricel at Jasmin ay inabuso ng kanilang mga employer. Sa kabutihang palad ay nakauwi naman sila ng ligtas sa ating bansa. Labis na nagpapasalamat ang pamilya ng mga Pinay na ito nang matulungan natin silang makauwi ng bansa.
Humingi rin ng tulong sa aming tanggapan si Rosemarie Lonzame matapos mabaril ang kanyang anak. Ika-27 ng Mayo 2006 sa Sucat, Muntinlupa naganap ang insidente. Umusyoso lamang ang biktima sa kapitbahay nitong nag-aaway hanggang sa siya ang tinamaan ng bala. Sina Dodong Nofuente at Roland Nudo ang mga responsable sa pagkamatay ng biktima. Hangad ni Rosemarie na mapabilis ang pag-usad ng kasong ito. Matapos ang preliminary investigation ay nakipag-ugnayan kami sa Muntinlupa Prosecutors Office para magpa-follow up. Masayang-masaya si Rosemarie nang mabilis na lumabas ang resolution. Lumabas ang warrant of arrest at nahuli ang isa sa dalawang suspek, si Dodong.
Kasong Murder at Frustrated Homicide ang isnampa ng pamilya ni Myrna Acena matapos siyang pagtangkaang patayin at paslangin ang anak nitong si Victorino Jr. noong ika-10 ng Mayo 2006 ng mga suspek na sina Rolando Ibañez, Robert Ibañez at Rommel Ibañez. Inilapit sa amin ni Myrna ang kanyang problema dahil sa pagkakabinbin ng kaso sa piskalya. Nangangamba ang pamilya Acena sa maaari pang gawin ng mga Ibañez dahil pinagbabantaan daw sila ng mga ito.
Nakipag-ugnayan kami sa opisina ni SSP Archimedes Manabat upang ipa-follow up ang resolution ng kasong ito. Makalipas lamang ang ilang linggo ay lumabas ang resolution at pumabor naman ito sa pamilya ng biktima.
Si Dolores Brigino ng Pandi, Bulacan ay lumapit din sa amin matapos pagtulung-tulungang patayin ang kanyang asawang si Clement ang mga suspek na sina Pedro de Castro, Florante de Castro, Angelito de Castro at Reynato Regaspi noong ika-28 ng Disyembre 2005. Kasong murder ang isinampa dito subalit na-downgrade ito sa Homicide sa Malolos Prosecutors Office. Nag-file ito ng motion for reconsideration subalit denied pa rin ito. Pinayuhan siyang magfile ng petition for review sa Department of Justice. Lumabas ang resolution at nagpapasalamat si Dolores na pumabor naman ito sa kanya.
Matagal na panahon rin ang hinintay ni Erly Martin ng Pasig City ang resolution ng kasong Double Murder at Multiple Frustrated Murder laban kay PO1 Bedo Montefalcon. Ika-29 ng Mayo 2005 lulan ng tricycle ang mga biktimang sina Donil Dale Gaveria, Alvin dela Cruz, Tarcila Flores, Timothy James Guevarra at Alvedon Cruz nang harangin umano sila ng isang Isuzu Crosswind kung saan ang suspek. Sa hindi malamang dahilan ay hinarang ang grupo ng mga kabataang ito.
Dismayado ang pamilya ng biktima ng ma-dismiss ang kaso ng tanggapan ni SP Misael Ladaga. Inilapit ni Erly ang kasong ito sa aming programa ni Secretary Raul Gonzalez. Pinayuhan ito na mag-file ng petition for review at pumabor naman ito sa mga biktima. Lubos na nagagalak ang pamilyang ito.
Maraming salamat sa pagtitiwala at sa isang taong pagtangkilik at pagsubaybay sa amin. Kami ay umaasang ipagpapatuloy ninyo ang pagtitiwala sa CALVENTO FILES at "HUSTISYA PARA SA LAHAT" dahil gagawin naming ang lahat ng aming makakaya na tumulong sa mga taong nangangailangan. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Naway magkaisa tayo ngayong Bagong Taon.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended