^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Wala nang babagsak na mga billboard

-
MABUTI at nai-file ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang Senate Bill 2482 na nagbabawal sa pagtatayo ng billboards sa tabi ng highway. Iglap lamang ang lahat at ngayon, pagkaraan lamang ng isang buwan makaraang manalasa ang bagyong Milenyo na nagbagsak sa billboards, tuluyan na silang hindi nakabangon at ganap nang ibinasura.

Tapos na ang pamamayagpag ng mga billboard sa halos gilid ng mga highways at sa tuktok ng bubong ng mga gusali at waiting sheds. Tapos na ang maliligayang araw ng mga billboard na ang patigas na bakal ay tila pinahiran lamang ng laway dahil madaling maputol sa hihip ng hangin. Tapos na ang pagkatakot ng mga motorista, mamamayan na maaaring bagsakan ng billboard kapag bumabagyo.

Maipagpapasalamat ang pananalasa ni Milenyo na naging dahilan para magising si Miriam Defensor-Santiago at nilikha ang SB 2482. Nanalo sa botong 13-0 ang batas. Ipagbabawal sa pagtatayo ng billboards sa mga highways. Ibig sabihin, patuloy nang gigibain ang mga billboard sa highway at magkakaroon na ng kapanatagan ang mamamayan. Hindi na maaaring itayo ang billboard sa malapit sa schools, historical sites, simbahan, ospital, retirement o nursing homes, sementeryo, gusaling pampubliko, parke, palaruan, recreation areas at convention centers. Wala na ring makaka-distruct sa mga driver at maiiwasan na ang aksidente. Bukod sa delikadong bumagsak sa panahon ng bagyo o lindol, inirereklamo rin ang mga billboard na nasa gilid ng highway dahil sa nakasisilaw na liwanag. May mga billboard na ang nakalarawan ay ang malalaswang bahagi ng katawan ng babae na umaagaw sa pansin ng mga drivers. Ito ang nagiging dahilan ng aksidente.

Wala nang babagsak na mga billboard at maiiwasan na ang aksidente. Wala na marahil magbubuwis ng buhay dahil nabagsakan ng billboard o kaya’y sasakyang masisira.

Ang pagpapatupad na lamang sa batas ang aabangan ngayon ng mamamayan. Marami nang pangyayari na kahit mayroon nang inakdang batas ay hindi naman naipasusunod. Kahit na inaprubahan na ay hindi maipatupad sapagkat kulang sa ngipin. Hindi sana mangyari ang ganito sa SB 2482. Gibain na agad ang mga billboard na natitira pa sa mga highway lalo na sa EDSA para wala nang inaalala pang babagsak at pagbubuwisan ng buhay.

vuukle comment

BILLBOARD

BUKOD

GIBAIN

IBIG

MILENYO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENATE BILL

TAPOS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with