^

PSN Opinyon

Double standard na hustisya?

- Al G. Pedroche -
SALAMAT na lang at kinasuhan na ng obstruction of justice si Mayor Vicente Eusebio ng Pasig City. Magugunita na kamakalawa, iyan ang usaping inupakan natin sa kolum na ito. Kinabukasan (kahapon) ay inihayag na ang paghahain ng kaso laban sa Mayor. Ewan kung ito’y reaksyon sa ating kolum o nagkataon lang. In any case, salamat, salamat, salamat.

Ang kaso ay tungkol sa pagpapagiba ni Eusebio sa ni-raid na shabu tiangge na napakalapit lang sa muni-sipyo at himpilan ng pulisya ng Pasig. Marami kasi ang nagtataka kung bakit sa mas magaang na kasong inaakusa sa ibang alkalde tulad nina Makati Mayor Binay at Pasay City Mayor Trinidad, napakabilis mag-isyu ng preventive suspension ng DILG. Meron daw bang favoritism, tanong ng marami.

Dapat nang mabura ang impresyon na sa politika, kakaibang hustisya ang ipinaiiral. I-review natin ang pagkakasuspinde sa mga alkaldeng kalaban ng administrasyon gaya nina Binay at Trinidad. Si Binay ay absuwelto sa Sandiganbayan samantalang di pa matiyak ang kapalaran ni Peewee.

Mas kontrobersyal ang usaping kinasangkutan ni Eusebio. Bagaman at we presume him innocent, dahil di pa naman nahahatulang nagkasala, hindi dapat lumusot si Eusebio sa kaukulang pagsisiyasat. Kung walang sala, malilinis niya ang kanyang pangalan at kung guilty, dapat lang siyang parusahan.

Ang gulong ng hustisya ay kailangang umikot hindi lamang sa mga karaniwang taong nasasangkot sa usapin kundi lalo na dun sa mga "bigatin" o may mga matatayog na katungkulan. Ang shabu tiangge ay isang kaso pa lang. Gaya nang naisulat ko kamakalawa sa kolum na ito, hindi pa nabubusisi ang culpability ni Eusebio sa kaso ng "Wowowee stampede" sa Ultra na ikinamatay ng 71 katao.

Initially, nagrekomenda ang NBI na kasuhan si Eusebio. Hindi raw ito humingi ng crowd control plan si Mayor sa mga organi-zers at basta nag-isyu ng permit. May rekomendasyon sa Justice department na kasuhan si Mayor noon pang Marso 8, 2006 pero walang nangyari.

Hindi natin tinatalakay ito para umatake ng personalidad. Isyu ang pinag-uusapan at dito’y nakataya ang integridad ng justice system.

Kailangang mapanatili ang tiwala ng taumbayan sa sistema ng hustisya at mapatunayan na ang hustisya ay hindi lamang humahatol sa mga maliliit na tao kundi maging sa mga sinasabing implu- wensyal, may kuwarta at katungkulan.

Email me at [email protected]

vuukle comment

BAGAMAN

BINAY

DAPAT

EUSEBIO

MAKATI MAYOR BINAY

MAYOR VICENTE EUSEBIO

PASAY CITY MAYOR TRINIDAD

PASIG CITY

SI BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with