^

PSN Opinyon

Aljay Nacional, 3, malnutrition victim

DOKTOR NG MASA - DOKTOR NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
PINAKAMASAKIT para sa isang ina na makitang naghihirap at maysakit ang kanyang anak. At sa karanasan ni Gina Toston, 30 taong gulang at residente ng Bgy. Lamingao, Catbalogan, Samar, ibayong sakit ng kalooban ang kanyang naranasan matapos makitang namatay ang kanyang anak na si Aljay Nacional, edad 3, sa tuberculosis at malnutrition subalit wala man lamang siyang nagawa bunsod ng matinding kahirapan.

Pumanaw si Aljay noong Agosto 28 sa Philippine General Hospital kung saan siya isinugod ng media team ng programang "Imbestigador" ng GMA 7 sa pagbabaka-sakaling maisasalba pa ang kanyang buhay na maagang pinahirapan ng mga kumplikasyon sa kanyang katawan dala naman ng malnutrisyon.

Ayon kay Imbestigador staff member Jonathan Espina, nangutang pa ng pamasahe si Gina (na inabandona pa ng kanyang kinakasama), upang makarating ng Maynila sa pag-asang narito ang mga may ginintuang puso na makakatulong sa kanilang gipit na kalagayan.

Sa pagtutulungan naman ng aking Mare Foundation at ng Imbestigador, nakarating sa kaalaman ko ang pangyayari kaya agaran kong inutusan ang aking mga staff upang asikasuhin ang pangangailangan ni Gina at ng kanyang dalawa pang anak.

Ang nangyayaring katulad nito ay masasabing isang nagpapatuloy na trahedya ng ating mga kababayan sa ilalim ng gobyernong Arroyo.

Subaybayan po ninyo sa susunod na labas ang mga sumunod na pangyayari sa kuwentong ito kasama na ang aking pananaw kung ano ang dapat gawin ng ating mga kababayan, partikular sa hanay ng kababaihan, sa harap ng patuloy na pagdilim ng kanilang kinabukasan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
* * *
Sa mahal na readers, lalabas po ang aking column ng Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

E-mail address: [email protected]

vuukle comment

ALJAY NACIONAL

DOKTORA NG MASA

GINA

GINA TOSTON

IMBESTIGADOR

JONATHAN ESPINA

KANYANG

MARE FOUNDATION

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with