^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nagkamali sa pagbitay? Aray!

-
EKSAKTUNG-EKSAKTO sa pagbasura sa death penalty law noong nakaraang linggo ang mga sinabi ni Chief Justice Artemio Panganiban na maaari raw nagkamali ang Korte sa paghahatol ng bitay kay child rapist Leo Echegaray. Hindi raw dapat bitay ang hatol kay Echegaray kundi habambuhay na pagkabilanggo. Sinabi ito ni Panganiban sa harap ng mga abogado noong May 31. Pero sinabi raw niya ito bilang pag-uulit lamang sa mga dati na niyang opinion batay sa mga nakasulat sa librong sinulat noong 1998 at 2000.

Ang mga ipinahayag ni Panganiban ay animo’y apoy na kumalat. At ang labis na nadismaya ay ang mga taga-Supreme Court mismo. Hindi nila akalain na ang kanilang bossing pa ang magsasabing nagkamali sa pagbitay sa rapist. Pagkaraan ng pitong taon ay saka nagsalita si Panganiban na maaaring nagkamali sa paghatol. Pero sabi naman ni SC spokesman Ismael Khan na hindi nagkamali ang Korte sa paghatol ng bitay. Sabi ni Khan, tama ang desisyon at walang judicial error na nangyari. Pinag-aralang mabuti ang kaso ni Echegaray.

Katwiran ni Panganiban sa pagsasabing nagkamali sa pagbitay kay Echegaray na hindi na- prove ng trial court na ito ang ama o stepfather ng biktima.

Malaking kuwestiyon sa Supreme Court ang mga ipinahayag ni Panganiban. Kung nagkamali sa pagbitay kay Echegaray, anong klaseng mga hukom mayroon ang Korte Suprema? Kung nagkamali sa pagbitay, siguradong marami ring pagkakamali sa pagbibigay ng hatol sa mga nakakulong pa. At paano naman ang iba pang nabitay na sumunod kay Echegaray. Pagkatapos mabitay si Echegaray, anim pang death convicts ang naisalang sa lethal injection chamber.

Ang pahayag ni Panganiban ay lilikha ng mga pagdududa. Laging makukuwestiyon ang kredibilidad ng mga hukom na hahatol. Baka mali ang verdict. Baka hindi ang hinatulan ang talagang kriminal.

Maiisip din na baka kaya nagsalita ng ganoon si Panganiban ay para magkaroon ng justification ang pagbasura sa death penalty law. Isang paraan iyon para maiwasan na nga naman ang maling pagbitay. Magkamali man ang hukom sa paghatol, buhay pa rin ang akusado dahil life imprisonment na lang ang hatol.

Pero, mas mainam kung hindi na nagpahayag si Panganiban na nagkamali ang Korte. Kinontra niya ang pinamumunuan.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

ECHEGARAY

ISMAEL KHAN

KORTE

KORTE SUPREMA

NAGKAMALI

PANGANIBAN

PERO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with