Pag-akyat ni Jesus sa langit

NGAYON ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Pag- akyat ni Jesus sa langit (Ascension). Ang pangyayaring ito ay naganap 40 araw pagkatapos ng Pagkabuhay na Muli ni Jesus. At ang unang mga alagad ni Jesus ang nakasaksi sa Pag-akyat Niya sa langit (Mateo 16:15-20)

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: Sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay."


Pagkatapos magsalita, si Jesus ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.

Sa pagbabalik ni Jesus sa Ama sa langit, nabigyang kasiguruhan ang pagsugo sa Espiritu Santo na gagabay sa Simbahan hanggang sa wakas ng panahon. Nabigyan din tayo lalo’t higit ng pag-asa na tinutupad ng Panginoon ang kanyang mga pangako. Sa gayon, tayo’y nakasisiguro rin na si Jesus ay muling magbabalik upang ang lahat ng tao na nananalig sa kanya ay kanyang tipunin at dalhin sa Ama at makibahagi sa buhay na walang hanggan.

Show comments