^

PSN Opinyon

Birthday sa BLISS

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ang pitak na ito ay naimbitahan

Sa simple pero masayang handaan;

At ito ay birthday sa isang tahanan —

Sa BLISS housing unit sa katabing bayan!

Ang naturang BLISS ay maraming building

Na noo’y kay ganda’t aliw sa paningin;

Unit ng may birthday ay maayos pa rin

Pero ang sa iba’y marumi’t marusing!

Naku po, naku po ano ang nangyari

Bakit ang BLISS housing ay naging marumi?

Baka nakatira’y di iniintindi

Kung pinturado pa dingding at kisame!

May mga unit pang walang nakatira

Kaya iisiping walang nakatira;

Ang mga bintana’y pawang sira-sira

Ang mga salamin ay basag basag na!

At hindi maganda sa nakitang housing

Dahil sa bayad na ay lubhang marusing;

Paglilinis rito’y hindi na tungkulin

Ng ating gobyerno na s’yang nag-turnover!

Sa ngayo’y masdan mo at maraming BLISS

Mga lumang-luma at hindi malinis;

Kalye’y lubak-lubak — bahay inaagiw

Pagka’t nagpabaya ang mga homeowners!

Aywan ko nga lamang kung sa ibang lugar

May BLISS housing unit na inalagaan;

Kumpleto sa ayos may center — simbahan

Maipagkakapuri sa nagsisidalaw!

Kaya sa homeowners ng BLISS housing units

Ang pitak na ito’y sa inyo lalapit;

Kayo ay magbuklod at magkapit-bisig

Pagandahin ninyo ang inyong paligid!

vuukle comment

AYWAN

BAKIT

BLISS

DAHIL

KALYE

KAYA

KUMPLETO

MAIPAGKAKAPURI

NAKU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with