^

PSN Opinyon

All points bulletin para sa impostor ng BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PINAPAGANA ngayon ng Bahala si Tulfo at BITAG ang aming All Points Bulletin laban sa isang putok sa buhong nagpapanggap na miyembro ng aming grupo.

Tumawag sa BITAG ang Makati Public Safety (MAPSA) ng Towing Section upang alamin kung meron bang operasyon ang aming grupo sa lugar ng Makati.

Isang Italian Van na may plate number XDA 113 na-tow daw ng kanilang grupo at agad rumesponde ang may-ari na ‘to na nagngangalang RONALD DE GUZMAN.

Ayon sa MAPSA, kinasuhan nila ng illegal parking at pinagbayad ang impostor na ito matapos mahuli ang kanyang sasakyan na iligal na naka-parke sa Urban Street, Makati City.

Ang siste, pinakitaan ang mga ito ng isang ID na nagpapakilalang isa siyang staff ng BITAG at nagyabang na may isinasagawang operasyon ang grupo sa mismong lugar kung kaya’t naroon ang kanyang sasakyan.

Para sa kaalaman ng lahat, HINDI MIYEMBRO NG BITAG ang kumag na si Ronald de Guzman. Ni hindi siya empleyado ng aming kompanya. Uulitin ko pa, HINDI SIYA KONEKTADO sa BITAG!

Hindi namin estilo na ipangalandakan kung kami’y may tinatrabaho dahil tahimik at walang oras kung kami’y kumilos. Alam ng BITAG na ginagamit ng mga nagbabalatkayong nilalang ang aming pangalan upang sila’y katakutan dahil iginagalang at inirerespeto ang grupo ng BITAG.

Kung kaya’t nagkalat na ngayon ang mga impostor, putok sa buho at bastardong mapagpanggap upang gamitin sa katarantaduhan at panlalamang sa kapwa ang aming grupo.

Babala! Maaaring nakakasabay n’yo ang sasakyan na ito sa daan o sa pag-paparke man, maaari rin kayong magulangan nito sa pamamagitan ng pagpapakilala na siya’y tauhan ng BITAG.

Kaya’t sa pamamagitan ng kolum na ito, isang panawagan ng BITAG sa lahat, kung sino man ang nakakakilala o di kaya’y nakakakita at nakakausap sa taong ito, ipagbigay-alam agad sa aming tanggapan.

Kasalukuyang inaalam ng BITAG sa tulong ng MAPSA ang kinaroroonan ng mapaglinlang na ito.

Kaya sa’yo, alyas RONALD DE GUZMAN, wala kaming pakialam kung manghiram ka man ng mukha ngayon sa aso dahil sisiguraduhin ko sa’yo na liliit ang mundong ginagalawan mo.

Sige lang ituloy mo lang ang katarantaduhan mo at malapit nang magkrus ang mga landas natin. Uulitin ko ALL POINTS BULLETIN ng BITAG at Bahala Si Tulfo laban sa impostor na si Ronald de Guzman at ang kanyang sasakyan na ITALIAN VAN XDA 113!

vuukle comment

ALL POINTS BULLETIN

AMING

BAHALA SI TULFO

BITAG

GUZMAN

ISANG ITALIAN VAN

KAYA

KUNG

MAKATI CITY

MAKATI PUBLIC SAFETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with