^

PSN Opinyon

Kakaibang panahon

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
HINDI pa man tag-init pero nadarama na ang init ng panahon, lalo na sa kalunsuran. Maraming tao ang nagkakasakit bunga ng pagpapalit ng klima.

Ngunit ang misyon, anumang panahon, ay pareho pa rin: Ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo at pangangaral ng Mabuting Balita. At ito ang ipinapahayag sa atin sa Ebanghelyo sa araw na ito na hango sa Marcos 1:29-39.

Mula sa sinagoga, sila’y nagtungo sa bahay nina Simon at Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Jesus. Nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y nawala ang lagnat ng babae at naglingkod sa kanila.

Pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit, at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.

Madaling araw pa’y bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng kanyang mga kasama. Nang siya’y matagpuan, sinabi nila, "Hinahanap po kayo ng lahat." Ngunit sinabi ni Jesus, "Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon -— ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum."


Nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.

Isa sa hindi nalilimutang gawain ni Jesus, maliban sa pagsasagawa at pagtupad sa kanyang misyon, ay ang patuloy na pananalangin. Nawa’y huwag nating kaliligtaan ang pananalangin, upang sa lahat ng ating mga gampanin ay palagi nating kaagapay ang Panginoon.

vuukle comment

ANDRES

CAPERNAUM

EBANGHELYO

GALILEA

HINAHANAP

HINANAP

MABUTING BALITA

NGUNIT

SIMON PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with