^

PSN Opinyon

Gloria ipinapahamak ng sariling opisyales

- Al G. Pedroche -
UMAMIN ang militar na mayroong natanggap na intelligence info tungkol sa balak na pagtakas ng mga "Magdalo Boys". Sa kabila nito, nakatakas pa rin ang apat. Pati Malacañang ninenerbyos ngayon sa posibilidad na kudeta. Hindi na puwedeng maliitin o ipaghalukipkip ng Palasyo ang bantang ito.

Nakapagtataka lang. Kung may advance info ang pamunuan ng militar, dapat sana’y lalu silang naging bantay-sarado para mapigil ang tangkang pagtakas. Iyan naman ay kung talagang nagmamalasakit at may tiwala pa sila sa administrasyon.

Evidently,
lumalawak ang bilang ng mga opisyal at kawal ng Hukbo na dismayado na sa administrasyong Arroyo. Umamin na ang mga pugante sa pamamagitan ng ipinadalang mensahe via e-mail na may insiders na tumulong sa kanilang pagpuga mula sa kanilang detention cell.

Ito ay isang masamang pagsalubong sa bagong taon ng administrasyong Arroyo. I think we are being drawn farther and farther away from the possibility of unity and reconciliation.

Sa kanilang mensahe, sinabi ng mga puganteng junior officers na sina Capt. Nathaniel Rabonza, 1st Lt. Lawrence San Juan, Sonny Sarmiento at Patricio Bumidang Jr. na bibitin-biting parang tabak ni damokles sa ulunan ng administrasyon ang isang bagong banta ng kudeta.

Panahon na siguro para magsagawa ng loyalty check sa hanay ng militar si Presidente Arroyo. Kung sino ang mapapatunayang disloyal sa administrasyon - sibakin ora mismo.

Kaya lang, baka ang kalabasan nito’y wala nang matirang opisyal at tauhan ang militar. Baka lang.

vuukle comment

CAPT

HUKBO

LAWRENCE SAN JUAN

MAGDALO BOYS

NATHANIEL RABONZA

PATI MALACA

PATRICIO BUMIDANG JR.

PRESIDENTE ARROYO

SONNY SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with