Para hindi magka-spina bifida kumain nang mayaman sa folic acid

MAHALAGA ang folic acid sa mga nagbubuntis. Kapag kumain ng mayaman sa folic acid maiiwasan ang pagkakaroon ng depekto sa spine ng anak na tinatawag na spina bifida. Ang spina bifida ay nade-develop sa panahong ipinagbubuntis ang sanggol at tinataglay hanggang maisilang ito. Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay kinakailangang mag-take ng folic acid at kumain ng mga pagkaing mayaman dito kagaya ng mabeberde at madahong gulay, broccoli, cauliflower, brown rice, breakfast cereals, nuts at seeds. Kaya kung ang isang babaing may-asawa ay nagpaplano nang magbuntis, magtake ng folic acid supplement para maiwasan ng magiging anak ang spina bifida.

Ang kahulugan ng spina bifida ay split spine. Hindi tama ang pagkakaporma ng gulugod. Nangyayari ito habang nabubuo ang baby sa sinapupunan. Nagkakaroon ng gap o split sa alinmang bahagi ng gulugod nang nabubuong baby. Ang spinal cord at spine ay bahagi ng neutral tube na nagsisimulang madebelop dalawa o tatlong linggo makaraang ipagbuntis.

Walang makapagsabi kung ano ang dahilan at hindi nadedebelop nang wasto ang spine subalit malaki ang hinala na may kinalaman ang kinakain ng ina kaya nagkakaroon ng spina bifida ang sanggol. Namamana rin umano ito at may kinalaman din ang kapaligiran (environment).

Ang mga batang may spina bifida ay mayroon ding hydrocephalus o tubig sa utak.

Tatlumpung taon na ang nakalilipas maraming sanggol ang namamatay dahil sa spina bifida pero ngayon dahil sa medical at surgical treatment, marami ang naililigtas.

Payo sa mga magbubuntis kumain nang sariwa at madadahong gulay para maiwasan ang spina bifida.

Show comments