^

PSN Opinyon

Iringan ng LTFRB at driver operators dahil sa taripa

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
AGOSTO 31 ang itinalagang deadline ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampasaherong jeepney na bumibiyahe ng walang taripa at kolorum para isa-ayos ang kanilang mga papeles.

Sa nakikita namin, malabong masunod ang palugit na ito dahil kami mismo sa BITAG ang nakasaksi sa bulok na sistemang pinapairal ng LTFRB.

Ang walang katapusang isyu, ang pagpapalabas ng kontrobersyal na taripa. Palaisipan sa BITAG kung bakit hindi pa nareresolba ang problemang ito gayong matagal na naman itong naipatupad.

Nakikita naming seryoso sa kanyang trabaho si LTFRB Chairperson Len Bautista. Hindi kaya ang mga "matatandang" empleyado nila ang dahilan ng problema? O ang ilang patago at kapit-tuko sa kanilang puwesto na nabuhay na sa pangungurakot?

Matatandaan, ilang abusadong driver ang nahulog sa aming surveillance camera na nanggigipit at nagsasamantala sa ilang pobreng pasahero.

Epekto lamang ito ng problemang nagsimula sa bulok, mabagal at walang pagbabagong prosesong pinaiiral ng LTFRB.

Hangga’t nariyan ang mga mapagsamantalang empleyado ng LTFRB, patuloy ang kalbaryo ng mga operator at jeepney driver. At habang patuloy silang nagdurusa, patuloy na magsasamantala ang ilan.

Pagpapatupad ng tamang proseso ang kasagutan sa lahat. Madaling maisasaayos ang lahat kung mabilisan ang gagawing pag-aksyon ng pamunuan ng LTFRB hindi lamang para sa kapakanan ng mga driver at operator kundi para na rin sa masang araw-araw na sumasakay sa jeepney.
* * *
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Panoorin Bahala si Tulfo, 9:00-10:30 a.m. UNTV, 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 kHz.

vuukle comment

CHAIRPERSON LEN BAUTISTA

EPEKTO

HANGGA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LTFRB

MADALING

MATATANDAAN

PANOORIN BAHALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with