^

PSN Opinyon

Sa panahon ng krisis...

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NOONG nakaraang Linggo, Hulyo 10, ay ipinagdiwang ng aming samahang AKKAPKA-CANV ang ika-21 Anibersaryo. Ito ay dinaluhan ng mga kaanib ng base groups -— binubuo ng mga magsasaka, magniniyog, mangingisda, guro, kabataang nasa paaralan at wala sa paaralan, at ibang mga propesyonal – mula sa Infanta, Quezon, Perez at Alabat, Quezon Province at mula sa Kamaynilaan.

Sa naturang okasyon, bahagi ng programa ay arukin ang damdamin ng mga tao hinggil sa kasalukuyang krisis pulitikal sa ating bansa at gumawa ng isang paninindigan.

Marami sa nagsidalo ay nalilito sa mga pangyayari dahil sa mga nasasagap na balita sa radyo, TV at mga pahayagan na nagsisiwalat ng iba’t ibang pahayag, kuro-kuro at mga paninindigan. Para sa mga nalilito, wala silang makitang tunay na maaaring pagsandigan at pagkunan ng katotohanan kung kaya’t ang panukala nila ay patuloy na pag-aralan ang sitwasyon at hingin na palitawin ang katotohanan ng sinumang mga tao o institusyon na kapani-paniwala o may kredibilidad. Kung lilitaw ang katotohanan, mas madaling makagagawa ng paninindigan.

Yaon namang may nabubuong opinyon ay nagsasabing si President GMA ay dapat manatili sa kanyang pagkapangulo subalit dapat panagutan ang inihihingi niya ng paumanhin sa taumbayan. Kailangan niyang harapin ang mga umuusig sa kanya ayon sa proseso na nababatay sa ating Saligang Batas at agarang kumilos at isakatuparan ang mga ipinangako niya sa taumbayan, lalo sa mga mahihirap.

Nagkaisa ang lahat sa puntong sa panahon ng krisis, anumang uri ito, ang unang dapat gawin ay manahimik, manalangin upang magabayan ng Banal na Espiritu, timbangin ang mga nakakalap na impormasyon, pagnilayan ang mga pangyayari at maaaring kinalabasan nito, at saka gumawa ng aksyon.

Amang mapagmahal at Dakilang Panginoon, lukuban po ninyo ang aming bansa ng Iyong Banal na Espiritu, upang ang katotohanan ang lumitaw, maging mahinahon ang mga nag-aalab na mga damdamin at sa gayon ay ang katarungan at kapayapaan ang umiral sa aming bansa. Amen.

vuukle comment

ALABAT

ANIBERSARYO

DAKILANG PANGINOON

ESPIRITU

HULYO

IYONG BANAL

QUEZON PROVINCE

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with