^

PSN Opinyon

Siguruhin ang kaligtasan ng mamamayan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HAPPY 19th anniversary sa Pilipino Star NGAYON.
* * *
Nang malason sa kamoteng kahoy o balinghoy ang mga estudyante sa San Jose Elementary School sa Mabini, Bohol noong nakaraang linggo ay saka lamang natutong maghigpit ang awtoridad particular ang Department of Education. Bawal na raw magtinda ng pagkain sa paligid ng school. Pero ang paghihigpit ay tila pakitang tao lamang sapagkat napansin ko na marami pa ring tindang pagkain o mga kakanin sa labas ng mga schools.

Napadaan ako sa isang elementary school sa Muntinlupa City. Nakahilera pa rin ang mga tindahan sa harapan ng eskuwelahan. Iba’t iba ang mga itinitinda na karamihan ay nakatiwangwang lamang. Wala man lang proteksyon sa mga langaw. Ang mga ginagamit na baso para sa mga inuming pampalamig tulad ng sago ay hinuhugasan sa pamamagitan ng paglubog ng mga baso sa isang palanggana na may tubig na ilang ulit na yatang nagamit.

Ang inuming tubig ay nasa isang lalagyan na wala man lamang takip. Mayroon akong napansing ipinagbibiling tubig na nasa plastic subalit ang mga ito ay walang seal na nagpapahiwatig na ang lalagyang plastic ay nagamit na. Sinasalinan lamang marahil at saka ibebenta. Ganito rin ang napapansin ko sa mga inilalakong tubig sa kalye. Kung naka-seal man, hindi maayos ang pagkakagawa.

Dapat lamang na maging mahigpit ang Department of Health, Department of Trade ang Industry at DepEd. Malamang na maulit ang nangyari sa Bohol. Siguruhin ang kaligtasan ng mamamayan at lalong higit ang mga kabataang estudyante.

vuukle comment

BAWAL

BOHOL

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE

MUNTINLUPA CITY

PILIPINO STAR

SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with