^

PSN Opinyon

'R-18'

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ITONG MGA NAKARAANG LINGGO, NAGING MAIINIT ANG TALAKAYAN TUNGKOL SA IGINAWANG PAGBABAWAL NG SM CINEMA’S NG PAGPAPALABAS NG MGA PELIKULANG ANG RATING AY R18. UNA NANG NAAPEKTUHAN AY ANG MGA BOLD O SEXY MOVIES SA DESISYON NI HENRY SY, MAY-ARI NG SM DEPARTMENT STORE CHAIN.

Umani ng puri ang hakbang na ito mula sa maraming mamamayan. Maganda raw upang ang kanilang mga anak na madalas magpasyal sa mga malls ay hindi makakita ng mga billboards kung saan halos hubad na babae, mga malalaswang titulo, mga litratong nagpapakita ng iba’t ibang eksena ng love scenes na nilalaman ng pelikulang pinalalabas sa loob ng sinehan.

Nagkaroon pa nga ng baliktaktakan hindi lamang sa dyaryo kundi sa telebisyon ang mga pabor dito at ang mga hindi pabor na pinangungunahan na rin ng mga sexy stars at mga advocates ng "no censorship system."

Lumalabag ba sa ating karapatan ang ginawa ng SM sa pagbabawal ng pagpapalabas ng mga R18 films sa kanilang lampas sa 100 cinemas? Sa palagay ko ay hindi. Hindi dahil ang SM ay merong sariling patakaran na gustong ipatupad ayon na rin sa kagustuhan ng may-ari.

Kayo ba sa bahay ninyo, payag ba kayo na diktahan ng ibang tao sa gusto ninyong ipatupad na patakaran? For as long as it is not illegal or immoral, we have the right to impose what we feel is best in our very own homes.

Ang isyung ito, ang pagpapalabas ng mga sexy (iba ang tawag dito ay Bomba films) ay hindi na bago. Mula pa nung dekada 70 nauso na ang mga bomba films. Mga artistang namayagpag tulad nila Rizza, Rosanna Ortiz, Rosanna Marquez, Daria Ramirez, Merle Fernandez, Joy Sumilang, Maureen Mauricio, Cristina Crisol, mga Cola beauties gaya ni Sarsi Emmanuel, Pepsi Paloma at marami pang iba. Hindi naman tuuyang nawala ang paglaganap ng sexy movies. Bakit? Dahil maliit ang budget subalit malakas ang kita sa takilya lalung-lalo na sa probinsya. Ngayon naman ay sina Diana Zubiri, Francine Prieto, Juliana Palermo, Ara Mina at ang oooo, mga naglalakihang @#$% ng mga Viva Hot Babes.

Ito ang dahilan kung bakit halos patay na yata(?) ang movie industry natin dahil kung bakit nagdadalawang isip ang mga producers na kahit gustong gumawa ng dekalidad na pelikula, malaki ang budget, matapatan lang ng isang sexy movie, taob na sa takilya. Patay na ang kanilang investment.

Anong panama ng ilang goons na napapatay dahil naunahan sa pagbunot ng baril nila FPJ, Bong Revilla, Rudy Fernandez at iba pang action stars sa pagpunit naman ng panty ng isang sexy star sa isang mainit na "rape scene o love scene?"

Sa isang interview sa telebisyon, sinabi ng representative ng SM cinemas na hindi nga raw kumikita ang mga pelikulang R18. Anong ibig sabihin ba nito? Kaya ba nila ipinagbawal ang pagpapalabas nito ay dahil nalulugi ang kanilang theatro sa tuwing may booking ng R18 na pelikula?

Karamihan sa mga small budget films, na sexy o R18, gawa ng mga malalaking production outfits. It has been a common practice that they dangle o bargain big movies, gaya ng FPJ, Dolphy, Bong Revilla movies na may kasamang package. Kung baga, kung gusto mong maibook ang mga pelikulang ito, kailangan mo ring kunin ang maliit na pelikulang ito. This is a booking scheme para hindi tanggihan ang maliit na movie ng higanteng production outfit. Alam ng mga theater owners ang sinasabi ko.

Talaga bang concerned ang SM sa mga kababayan natin o ang kanilang kita ang iniisip kaya ipinagbawal ang R18? Diba sabi nila hindi nga raw kumikita ang R18 movies. Ito ba ay paraan para umiwas sa pambrabraso ng mga movie production outfits na merong mga malalaking pelikula na I-book din nila ang mga "quickie movies" nila? Ano ba talaga Mr. Henry Sy. Ano ang totoo. Are you disguising everything under the mantle of moral guardianship ang isyung ito?

Mga kaibigan, nung nakaraang ilang dekada, nagkaroon ng isang theatro kung saan maaring ipalabas ang mga bold o sexy movies na gawa ng mga producers. Ito ay sa Film Center of the Philippines. Si Mr. Johnny Litton ang director dito sa FCP. Bakit hindi buhayin ang pagpapalabas sa mga ilang piling theatro lamang sa Metro Manila, kung saan maaari magpalabas ng ganitong pelikula para sa mga mahilig manood. Taasan ang admission at ang amusement tax. Sa ganitong paraan, makalikom pa ng pera para sa gobierno. Sa ibang bansa, meron talagang area kung saan nagpapalabas sila ng adult films. Bakit hindi pwede dito. I-contain lamang ito para malayo sa ating mga anak, sa eskwelahan at mga places o worship.

Wala ng maaaring magsabi na censorship ito and it is a curtailment of our rights to self regulation. To be able to chose the kind of movies we would like to see and not let anyone else dictate on us or ram it down our throats. KAYO, SANG-AYON BA KAYO DITO?

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTION MAARI KAYONG TUMAWAG SA "CALVENTO FILES" 7788442. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09193263166.

ANO

BAKIT

BONG REVILLA

KUNG

MOVIES

SEXY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with