Papel maaaring gawing uling
May 23, 2004 | 12:00am
ALAM ba ninyo na makakagawa kayo ng uling mula sa papel? Kumuha ng diyaryo o anumang papel gaya ng telephone directory. Tabasin ito at ibabad sa tubig. Pigain at ibilad sa araw. Pag natuyo ang papel ay puwede nang sindihan at magagamit sa pagsasaing at pagluluto.
Hindi lang gamit na sangkap sa pagluluto ang luya. Mabisa ring gamot sa mga namamalat. Ibinabanyos din ito sa katawan para matanggal ang lamig sa katawan. Kadalasan ay inihahalo ang luya sa langis na ipinagmamasahe at sa paghihilot lalo na ang mga nabalian. Ang nilagang luya ay mabisa rin sa mga babaing may problema sa pagre-regla.
Hanggang sa ngayon ay marami na rin ang nagtatanong sa BANTAY KAPWA tungkol sa halamang gamot na serpentina. Mabisa ang serpentina sa mga may diabetes gayundin sa may respiratory problems at madalas sumakit ang sikmura. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa serpentina, tumawag sa 9122025 at may magpapaliwanag sa inyo tungkol sa herbal medicine na ito. Mabibili ito bilang kapsula sa mga botika at aprubado ng BFAD.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest