Kasal sa huwes
March 25, 2004 | 12:00am
ANG magkasintahang Mario at Tina ay nagmamahalan kaya nagplano silang magpakasal. Napili nilang magpakasal sa huwes.
Nagkataong kilala ni Tina ang isang judge sa kanilang lugar. Nakiusap siya rito sa pamamagitan ng sulat kung saan sumang-ayon naman ang judge. Ikinasal sina Mario at Tina sa bahay ng judge, ayon na rin sa awtoridad na ipinagkaloob ng batas. Subalit nagkaroon ng problema dahil ang nasabing judge ay hindi nakatalaga sa mababang hukuman ng kanilang lugar kundi sa ibang bayan.
Samantala, iginiit ng nasabing judge na wala raw problema dahil ang kasal nina Mario at Tina ay isang eksepsyon sa batas kung saan ang pakiusap ni Tina sa kanya na magkasal ay nasulat naman sa papel, ayon na rin sa Artikulo 8 ng Family Code. Tama ba ang huwes?
MALI. Ayon sa Artikulo 8 ng Family Code, kapag ang kasal ay gaganapin sa ibang lugar at hindi sa Korte mismo ng judge, kinakailangang nakasulat ang pakiusap ng lalaki at babae na ikakasal. Sa kasong ito, tanging si Tina lamang ang sumulat ng pakiusap sa nasabing judge at hindi silang dalawa ni Mario.
Samantala, sinabi rin sa Artikulo 7 ng Family Code na kinakailangang na isasagawang kasal ng judge ay sa lugar na kanyang nasasakupan kung saan siya ay may awtoridad. Tanging ang mga hukom ng CA at SC lamang ang maaaring magkasal sa kahit saang parte ng Pilipinas. Sa kasong ito, ang kasal na isinagawa ng huwes ay hindi sa bayan kung saan siya nakatalaga kaya wala siyang awtoridad na magkasal.
Kaya, ang paggamit ng nasabing judge sa Artikulo 8 bilang depensa ng kanyang maling pagganap ng awtoridad ay nagpapakita ng kanyang kakulangan ng kaalaman sa batas. Gayunpaman, ang isinagawang kasal ng judge ay isa lamang iregularidad sa mga kailangang elemento ng kasal ayon sa Artikulo 8 ng Family Code. Ang Artikulo 8 ay tumutukoy lamang sa venue o lugar ng kasal kung saan hindi ito makakaapekto sa bisa ng kasal nina Mario at Tina. Samantala, ang nasabing judge ay may pananagutang administratibo kung saan siya ay nasuspinde. (Navarro vs. Donogtoy 259 SCRA 129).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended