^

PSN Opinyon

11 pang tanong para sa debate

SAPOL - Jarius Bondoc -
HINDI puwedeng paliguy-ligoy sa presidential debates. Dapat, diretsong sagot sa diretsong tanong. Kailangan malaman ng botante ang pakay ng bawat kandidato.

Nailahad ko na nu’ng makalawang linggo ang unang siyam na tanong na inakda ng Pagbabago@Pilipinas. Ngayon, 11 pang tanong sa mga detalyeng gagawin ng nais mag-Presidente. Walang pinapanigang kandidato ang mga tanong. Bahala sila sa sagot:

(1) Kung sakaling mahatulang guilty si Joseph Estrada, bibigyan mo ba siya ng presidential pardon?

(2) Maglalaan ka ba ng pondo para sa family planning at tamang dami ng anak?

(3) Tutuparin mo ba ang pangako ng Konstitusyon na reporma sa lupa bago mag-2010?

(4) Tututulan mo ba ang pork barrel? Kung ilusot ito ng Kongreso, ibi-veto mo ba at iipitin ang paglaan ng pondo para dito?

(5) Papayag ka ba sa negosasyong pangkapayapaan sa mga komunista at rebeldeng Muslim?

(6) Paano mo itataas ang kita ng gobyerno na di kukulangin sa 15% ng GDP habang protektado ang mahihirap?

(7) Isasa-pribado mo ba agad ang media enterprises na hawak ng gobyerno?

(8) Ilalahad mo ba ang service records ng lahat ng mahihirang sa PNP mula station chief hanggang pinaka-mataas na opisyal?

(9) Pabibilisin mo ba ang paglilitis ng lahat ng mga kaso para mabawi ang nakaw na yaman mula panahong-Marcos hanggang ngayon?

(10) Gagawin mo ba ang lahat para ibaba ang presyo ng koryente kapantay ng mga kapit-bansa?

(11) Itataas mo ba ang gugol ng gobyerno sa edukasyon na pantay o higit sa ratio sa budget nu’ng 1987?

Ipapalathala ng P@P ang sagot ng mga presidential candidates.

vuukle comment

BAHALA

DAPAT

GAGAWIN

ILALAHAD

IPAPALATHALA

ISASA

ITATAAS

JOSEPH ESTRADA

KAILANGAN

KONGRESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with