^

PSN Opinyon

Niloko ng ka-chat sa internet

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Segio A.F. Apostol -
Hobby ko po ang makipagkaibigan through chatrooms sa Internet. Dito ko po nakilala si Gary. Sa New Jersey na po daw s’ya based at mahilig din s’ya makipag-chat sa Internet. After another four months, napagpasyahan ni Gary na magbalik-bayan dito upang kami’y magkita ng personal. Napagkasunduan naming mag-meet sa Botanical Garden dito sa Baguio.

Nang dumating ang araw ng aming pagkikita, naglalakad ako sa may Botanical Garden nang makita ko si Gary na may kayakap na ibang babae. Siguradung-sigurado ‘ko na s’ya ‘yon dahil dala ko pa ang picture na pinadala n’ya sa ‘kin. Kaya nilapitan ko s’ya para komprontahin. Nagulat si Gary nang lapitan ko s’ya at tanungin kung bakit may kasama s’yang iba. Siya nga raw ang nasa picture na hawak ko pero hindi raw n’ya ‘ko kilala at hindi raw Gary ang pangalan n’ya kundi Manolito. Pinsan daw n’ya si Gary at sa katunayan ay nandun daw s’ya sa may puno na malapit sa kinatatayuan namin. Itinuro nga ni Manolito kung nasan si Gary. Hindi na po ako nagtaka kung bakit ibang litrato ang ipinadala n’ya sa ‘kin. Hindi s’ya kaguwapuhan.

Humingi ng paumanhin ni Gary dahil sa ginawang pagpapanggap, nagawa n’ya po akong amuin with his sense of humor and sweetness. Pinatawad ko siya. Hanggang sa napapayag n’ya kong magsama na kami. Akala ko’y ayos na ang lahat dahil pinangako ni Gary na pakakasalan n’ya ‘ko. Babalik lang daw po s’ya sa States dahil may aayusin daw muna s’ya doon bago s’ya mag-settle uli dito sa Pilipinas para magpakasal na kami. Ngunit hindi na siya bumalik. Napag-alaman ko kay Manolito na may pamilya na si Gary sa Maynila at hindi siya American citizen.

Napakasakit ng ginawa sa ‘kin ni Gary. Ang problema, buntis ako.

Maari ko po ba s’yang kasuhan?

–Louella Acosta ng Baguio City


Maari mong kasuhan si Gary for damages based on Article 21 of the New Civil Code, which provides that: "Any person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for damages."

Sa kaso mo, maliwanag na nagdulot ng kahihiyan ang pagdadalang-tao na dulot ng pakikisama mo kay Gary dahil sa kanyang pagpapanggap o misrepresentation na isa s’yang mabuting tao at walang asawa when in truth and in fact he is already married. Pumayag kang makipaglive-in kay Gary dahil pinaasa ka n’ya at pinangakuan ng kasal. Sa kasong ito, deceit is demonstrated due to the fact that when Gary made such promises to you, he was already married to another.

Sa ganang akin: mag-ingat po tayo sa mga nakakausap natin through the chatroom or through text na hindi naman po natin personal na kilala. Marami pong mga manloloko sa panahon ngayon at maari tayong mapahamak dahil dito.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BOTANICAL GARDEN

DAHIL

GARY

LOUELLA ACOSTA

MAARI

MANOLITO

NEW CIVIL CODE

SA NEW JERSEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with